261 total views
Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi apektado ng El Niño ang mga palaisdaan sa kabuuan sa bansa.
Ayon kay BFAR director Atty. Asis Perez, ito ay dahil normal pa rin ang presyo ng mga isda sa mga pamilihan.
Dagdag ni Perez, sa ngayon ay mas mura pa ang presyo ng isda na tanda na marami ang supply nito.
“Ang general condition ng mga palaisdaan ngayon surprisingly, di pa tayo masyadong apektado ng El Nino, in fact ang presyo ng mga isda sa market mababa, mura din ang mga tilapia at bangus, stable ang presyo ay ang indicator ng availability ng price, mas marami mas mura.” Pahayag ni Perez sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon sa BFAR, sa bangus lamang, maganda ang ani lalo na at ito ay nakukuha na rin sa mga cages sa dagat at hindi lamang sa mga tubig tabang.
Tinatayang nasa 50,000 cages na ng bangus mayroon sa dagat sa buong bansa.
“Karamihan ng bangus wala na si fishpond kundi nasa fish cages o dagat na, ang bangus pwede na siyang mabuhay sa sea at fresh water, meron din mga cages sa dagat nabubuhay din ang mga bangus dun, 50,000 cages sa dagat all over the country.” Ayon pa kay Perez.
Sa ulat ng BFAR, 9.2 percent ng kabuhayan sa bansa nakukuha sa pangingisda.
Sa social doctrine of the church, kinakailangan na palagiang titiyakin ng estado na sa layuning pag-unlad, dapat isaalang-alang ang kalikasan at ang kapakanan ng nakararami