1,186 total views
Nakikiisa ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggunita ng bansa sa Dakilang Kapistahan ng Inmakulada Conception ng Mahal na Birheng Maria.
Ayon sa Pangulo, kasabay ng pagbibigay pugay sa patron ng bansa ay ang hamon sa lahat na muling suriin ang misyon na iniatang ng Panginoon para sa bawat isa.
“During periods of both adversity and triumph, we humbly implore divine providence, especially as we overcome our limitations and flaws. Like Mary, may we also strive to resign from our individualistic tendencies and aspire to generously give ourselves without expecting anything in return. In the end, what we can bring into our everlasting home are those we cherish deep in our hearts, not the possession we can only hold in our hands.” bahagi ng mensahe ng Pangulong Marcos.
Pagbabahagi ni Pangulong Marcos, tulad ng Mahal na Birheng Maria na sa kabila ng pangamba sa hinaharap ay dapat ding panghawakan ng bawat isa ang pangako, plano at pag-ibig ng Diyos na nasa likod ng mga pagsubok sa buhay.
Sa liturgical calendar ng Simbahang Katolika, ang December 8 ay isang mahalagang araw bilang kapistahan ng Immaculada Concepcion na nangangahulugan na ipinaglihi si Maria ng kanyang ina na si Santa Ana na walang bahid ng orihinal na kasalanan.
Ayon sa pangulo, ito na natatanging biyaya mula sa Diyos kung saan siya ay pinalaya mula sa orihinal na kasalanan upang isakatuparan ang kanyang misyon upang magsilbing ina ni Hesus.
Ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion ay isang holy day of obligation sa mga Katoliko kaya’t hinihikayat ang bawat isa sa pagsisimba.
Attached is President Ferdinand R. Marcos Jr. Message: