Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,448 total views

Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Setyembre 2023, Mat 18,15-20

Dati, pag sinabing “simbahan” ang tinutukoy natin ay gusali kung saan nagsisimba. Buti na Iang ngayon, mas alam na natin na ang simbahan pala ay tayo—ang sambayanang nagkakatipon. Pero kulang pa iyon—dahil hindi pa rin ang pagtitipon ang bumubuo sa simbahan. Ang orihinal na salitang Griyego para sa simbahan ay EKKLESIA, at ang pinaka-ugat na salita ay KALEO, pinagmulan din ng Ingles na CALL. Ibig sabihin ang sambayananang nagtitipon dahil “tinawag sila at tumugon sa tumawag sa kanila”—si Kristo.

Kaya narinig natin “…saan man may dalawa o tatlong nagkakatipon SA NGALAN KO, naroon akong kasama nila.” Mateo 18:20. Sa ngalan ng tumawag sa atin—oo, kahit dalawa o tatlo lang. Higit na mas marami tayo nga tayo sa dalawa o tatlong daan sa loob ng simbahang ito. Paano malalaman, o ano ang palatandaan na ang pagtitipon ay ginagawa natin sa pangalan ng Panginoon na tumawag sa atin? Dalawang bagay ang ibabahagi ko, batay sa ating mga pagbasa:

Una, kapag nagiging daan ng pagkakasundo ang ating pagtitipon. Ikalawa, kapag nagkakaisa tayo sa panalangin.

PAGKAKASUNDO

Una, tagapamagitan ng pagkakasundo. Apat na paraan ang ibinibigay ng ebanghelyo, mga bagay na pwedeng gawin para makipagkasundo sa kaaway. Una, kausapin daw muna siya nang sarilinan. Take note, sarilinan; ibig sabihin, iingatan mong hindi siya mapahiya sa iba.

Pero mukhang alam ni Hesus na hindi laging umuubra ito. Sabi ng mga psychologists, kung ang dating ng pakikipag-usap ay parang akusasyon, magiging defensive lang ang kausap, magsasara siya imbes na makinig. Mas mabuti na i-express—hindi akusasyon kundi sariling pakiramdam o pinagdaraanan.

Buti na lang meron pang pangalawang paraan pag di umubra ang personal approach—magsama daw ng isa o dalawa—ibig sabihin, mga taong iginagalang niya at tipong pakikinggan niya: pwedeng magulang nita o best friend?

Pero paano kung hindi pa rin siya makinig? Isangguni daw sa simbahan o sa buong kapulungan ng mga kapwa alagad. At kung hindi pa rin siya makikinig, ituring daw siya bilang isang Hentil o tax-collector. Ibig bang sabihin itiwalag na siya o putulin na ang kaugnayan sa kanya? A, teka, tandaan, si San Mateo ang nagsulat nito—ang dating tax-collector. At tandaan din ang Roman Centurion (hentil) na humingi ng tulong sa kanya at pinagbigyan niya, kahit ang tingin sa kanya ng mga Hudyo ay kalaban o madumi.

Di ba ayon sa ating tradisyunal na sakramento ng pakikipagkasundo, may apat na sangkap ng pagkakasundo? Pag-amin, pagsisisi, pagkukumpuni, at papapatawad?

Kaya siguro ginamit ni Hesus ang larawan ng pagtatali at pagkakalag para sa misyon ng pagkakasundo. Ang unang tatlong sangkap ng sakramento ay may kinalaman sa pagtatali: ibig sabihin, papanagutin ang dapat managot. Akuhin ang kamaliang nagawa, huwag nang isumbat sa iba, pagsisihan, pagbayaran. Siyempre ang kasunod ay pagkakalag, ang larawan ng patawad, o pagpapalaya sa kulungan ng galit at hinanakit.

Dalawang palatandaan ang sinabi ko na pagninilayan natin para malaman kung ang ating pagtitipon ay ginagawa natin sa pangalan ng Panginoon na tumawag sa atin? Una PAKIKIPAGKASUNDO. Anon ang pangalawa? Pagkakaisa sa panalangin.

PAGKAKAISA SA PANALANGIN: Isa sa mga mahalagang parte ng Misa ay ang Panalangin ng Bayan. Minsan may nagtanong sa akin, bakit po ba kailangan pang banggitin ang mga pangalan sa Mass intentions? Alam naman ng Diyos. Sabi ko, Kasi importanteng alam din ng bayan. Para makipagkaisa tayo ng puso at diwa sa pananalangin para sa kapwa. Di ba sinabi ito ni Hesus sa Mat 18:19? “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.”

Paalala: siryosohin natin ang mga pinangakuan natin na isasama sa ating mga panalangin. Isulat sa papel ang pangalan at intensyon at kung kailan ipagdarasal. At mas magandang sabihing: “I will pray with you,” kaysa “I will pray for you.” Magandang reminder din ito sa humihiling, siya pa rin ang main prayer warrior, supporting warrior ka lang.

Kaya sa panalangin napakahalaga ng pakikinig at pakikiramdam sa pinagdaraanan ng kapwa. Sa ganyang paraan lang tayo matututong “makigalak sa mga nagagalak at makiluksa sa mga nagluluksa.” Sa panalangin lumalakas ang pakikibuklod natin ng puso at diwa sa kapwa alagad. Sa ganyan tayo nagiging sambayanang tunutugon sa tawag ni Kristo.

May pangatlo pa, pero conclusion na lang: ang nagkakatipon sa ngalan ni Kristo ay nagiging kinatawan ni Kristo. Sa pakikinig natin sa Salita ng Diyos at pagtanggap sa katawan Kristo, hindi natin siya sa tiyan ipinapasok at binabago para maging kabahagi natin. Tayo ang binabago niya at ginagawang bahagi ng katawan niya. Para Sa ating pagkilos, gawain at pagtitipon, si Kristo mismo ang siyang kumilos at magpatuloy ng kanyang misyon: ang pagsasaatin ng kaharian ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,900 total views

 24,900 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,556 total views

 39,556 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,671 total views

 49,671 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,248 total views

 59,248 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,237 total views

 79,237 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,232 total views

 7,232 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,362 total views

 9,362 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,361 total views

 9,361 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,363 total views

 9,363 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,359 total views

 9,359 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,231 total views

 10,231 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,433 total views

 12,433 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,466 total views

 12,466 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,820 total views

 13,820 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,916 total views

 14,916 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,124 total views

 19,124 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,843 total views

 14,843 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,212 total views

 16,212 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,474 total views

 16,474 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,167 total views

 25,167 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top