232 total views
‘Alipin pa rin ang Pilipinas ng kahirapan.’
Ito ang pahayag na sikat na historian na si Xiao Chua sa nalalapit na pagdiriwang ng ika–118 Araw ng Kalayaan sa ika–12 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Aniya, kahit na kumawala na ang bansa sa pananakop at pang – aalipin ng mga dayuhan ay alipin pa rin ng kasakiman ang bayang Pilipinas na nagpapahirap pa rin sa mayorya ng mahigit 100 milyong populasyon nito
Iginiit rin ni Chua na dahil sa patuloy na korapsyon mula sa mga mayayamang dayuhang kapitalista ay nagkakaroon ng hindi pagkakapantay–pantay na distribusyon ng kita o yaman ng bansa.
Panawagan naman ni Chua na bigyan nawa ng prayoridad ng susunod na administrasyon ang nasa 11.2 milyong pamilyang Pilipino na nagugutom batay sa pagsusuri ng SWS o Social Weather Stations upang makalaya na ang mga ito sa matinding tanikala ng kahirapan.
“Ang nangyari sa atin, oo, meron tayong independencia pero ‘yung ilan sa ating mga kababayan na naka–angat sa ating lipunan either politician o ‘yung ibang mga businessman ay patuloy ‘yung kanilang paghahari… wala na ngang colonizers alipin pa rin tayo ng kahirapan. Kahirapan kasi hindi equal yung ibinibigay nila sa tao sa kanilang pagtatrabaho at kahirapan dahil marami sa mga tao ngayon at mga leaders natin ngayon ay nagnanakaw sa bayan. At ang pagnanakaw sa bayan ay nakakamatay ‘yan,” bahagi ng pahayag ni Chua sa panayam ng Veritas Patrol.
Nauna na ring ipinanawagan ng kanyang Kabanalan Francisco na iwaksi ang “Throwaway Culture” o ang pagtatapon ng mga bagay at pagkain na maaari pang gamitin at kainin.