141 total views
Hindi pa rin dapat isuko ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea o mas kilala na noon na South China Sea.
Ito ang reaksyon ni Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa Palawan Bishop Pedro Arigo kaugnay sa umiiral ngayon na diplomasya sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Ayon sa obispo, maganda ang makipagkaibigan at ang pagtulong ng China sa bansa gaya ng P700 milyon na halaga ng baril para sa kampanya ng pamahalaan kontra krimen at para sa pagpapagawa ng rail stations sa Mindanao.
Gayunman, sinabi ni Bishop Arigo, kailangan pa rin manindigan ng Pilipinas at huwag isuko ang karapatan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
“Maganda yung sinasabing diplomasya pero, maraming klase ng diplomasya baka naman yan ino-offer sa ating mga tulong, baka yan ay pambobola nanakawan tayo tapos sasabihin tumahan ka na eto ang candy, kailangan ang rights natin hindi natin isusuko ang area na yan exclusive economic zone ng Pilipinas yan. Maganda tayo ay maging critical at discerning, yung mga ginagawa na yan oo tulong, kaya sila nagbibigay ng tulong may kapalit yan, nakakaduda talaga,” pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Radio Veritas.
Ang Palawan ay sakop ng West Philippine Sea.
http://www.veritas846.ph/mga-isla-sa-west-philippine-sea-tunay-na-bahagi-ng-teritoryo-ng-pilipinas/