7 total views
Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon.
Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap sa St. Peter’s Square noong Miyerkules.
Ang panawagan ng pinunong pastol ay kaugnay na rin sa tumitinding karahasan sa rehiyon matapos ang paglulunsad ng Iran ng daan-daang missile patungo sa Israel kasunod ng pagsisimula ng ground offensive ng militar ng Israel sa Lebanon.
“I ask everyone to take part in a day of prayer and fasting for peace in the world,” panawagan ni Pope Francis.
Noong Oktubre 2, sinabi ni Pope Francis na ang Simbahan ay palaging nakatuon sa paglilingkod parasa sangkatauhan, higit lalo sa panahong ng kaguluhan at karahasan na patuloy na pumipinsala sa mga bansa.
DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6Inihayag din ng Santo Papa na magtutungo sa Basilica ng St. Mary Major sa Roma sa Linggo upang manalangin ng rosaryo sa bisperas ng anibersaryo, upang hilingin ang biyaya ng kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin sa Mahal na Birhen.
Ginawa ng Santo Papa ang kanyang panawagan para sa kapayapaan sa pagbubukas ng Misa para sa ikalawang pagtitipon ng Synod on Synodality, na nagaganap sa Vatican mula Oktubre 2 hanggang 27.
Tinatayang nasa higit sa 400 pari, obispo, kardinal, at mga layko na delegado ng Synod ang nagtipon sa St. Peter’s Square para sa misa sa pagdiriwang ng mga Guardian Angels.
Inanyayahan din ni Pope Francis ang mga miyembro ng Synod na samahan siya sa Marian basilica upang manalangin ng rosaryo para sa kapayapaan.