Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sagipin ang pulitika bilang isang bokasyon

SHARE THE TRUTH

 176 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, kahit si Pope Francis ay nababahala sa bumababang pagpapahalaga ng mga tao sa pulitika. Itinuturing ng mga panlipunang turo ng ating Santa Iglesian ang pulitika bilang isang “lofty vocation”, isang matayog na bokasyon. Ngunit sa obserbasyon ng ating Santo Papa sa mga nangyayari lalo na nitong mga nakaraang taon, ang buhay-pulitika sa maraming lipunan ay hindi na nakatuon sa pag-uusap tungkol sa mga pangmatagalang plano upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao. Hindi na ito nakatuon sa kabutihang panlahat o common good, ngunit nagiging pamamaraan na upang magbenta, ‘ika nga, ng mga ideyang papatok sa mga tao para lamang makalamang ang isang pulitiko sa kanyang mga katunggali.

Dito sa Pilipinas, nagkakaroon ng mga debate ang mga kandidatong nais maging pangulo. Mahalaga ang ganitong mga debate dahil doon nakikilala ng mga botante ang mga taong sumusuyo sa kanila para mailagay sa balota.

 

PSD Toktok

 

Noong 2016, maituturing na pinakatinutukan ang debate ng mga kumakandidato sa pagkapangulo, na kinabibilangan ng mayor noon ng Davao City na si Pangulong Duterte. Pinakatumatak nga sa marami ang kanyang naging sagot sa tanong ng isang mangingisda mula sa Pangasinan tungkol sa kung ano ang gagawin ni Ginoong Duterte, kung sakaling manalo siya, upang mapayapang makapangisda sila sa karagatang pilit na inaangkin ng China. Matapang ang naging sagot ng kandidatong si Ginoong Duterte: sasakay daw siya ng jetski papunta sa Scarborough Shoal at itatanim ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng paninindigan ng Pilipinas. Handa raw siyang ialay ang kanyang buhay upang ipagtanggol ang nararapat para sa mga Pilipino. Ang matatapang na salita ni Pangulong Duterte ang nakakuha ng tiwala ng 16 na milyong botante, kabilang ang mga mangingisdang laging tinataboy ng mga dayuhan mula sa ating karagatan.

Fast-forward ngayong 2021, sinabi ni Pangulong Duterte na “pure campaign joke” lamang ang kanyang isinagot noon sa debate—“bravado” lamang, mga salitang punung-puno ng yabang at kumpiyansa para lamang masuyo ang mga nakikinig. “Stupid” o mangmang daw ang mga naniwala sa birong binitiwan niya tungkol sa isang seryosong isyu. Nakasasamâ ng loob ang sinabing ito ni Pangulong Duterte, lalo na para sa mga mangingisdang lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil hindi na sila makapalaot sa dagat na sila ang dapat na nakikinabang bilang mga Pilipino.

At sa napakahabang panahon, ang mga mangingisda ang pinakamahirap sa mga batayang sektor sa bansa—halos apat sa sampung mangingisda (o 39.2%) ang kumikita nang mas mababa sa halagang itinuturing na sapat upang masabing hindi sila mahirap. Kaya hindi natin masisisi kung marami sa kanila ang napaniwala ni Pangulong Duterte at pinili siyang maging ama ng ating bayan. Marahil, nakita nila sa kanya ang isang matapang na tagapagtanggol, isang nagmamalasakit sa taong mag-aangat sa kanila mula sa kahirapan. Ngunit istupido pala sila sa pangingin ni Pangulong Duterte.

May ganitong mga salita sa Mateo 5:37: “Sabihin mo na lang na ‘oo’ kung oo at ‘hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa masama.” Ganito ang diwa ng tinatawag nating mga Pilipino na palabra de honor, at inaasahan natin ito sa sinuman, lalo na sa ating mga pinuno. Batid ng mabubuting lider ang bigat ng kanilang mga salita kaya mahalagang pinag-iisipan nilang mabuti ang lumalabas sa kanilang bibig at panindigan ang mga ito.

Mga Kapanalig, maging masakit na aral sana ito sa atin. Sabi nga ng nadismayang mangingisdang nagtanong noon mismo kay Pangulong Duterte, “Pag-isipan [nating] mabuti kung sino talaga ang makakatulong talaga sa atin, sa ating mga kababayan.” Sagipin natin ang pulitika sa ating bayan upang manatili itong matayog na bokasyon, hindi isang larong nilalahukan ng mga manloloko.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 26,901 total views

 26,901 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,557 total views

 41,557 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,672 total views

 51,672 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,249 total views

 61,249 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,238 total views

 81,238 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 26,902 total views

 26,902 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,787 total views

 2,787 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,558 total views

 41,558 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,673 total views

 51,673 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,250 total views

 61,250 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,239 total views

 81,239 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,374 total views

 48,374 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,399 total views

 43,399 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,968 total views

 46,968 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,423 total views

 59,423 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,490 total views

 70,490 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,809 total views

 76,809 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,420 total views

 81,420 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,980 total views

 82,980 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,541 total views

 48,541 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top