Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sagot ba ang martial law sa Mindanao?

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Mga Kapanalig, sa ikatlong pagkakataon, muling pinalawig ang batas militar o martial law sa buong Mindanao. Noong isang lingggo, pinagbigyan ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Duterte na i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre 2019.

Kung inyong matatandaan, isinailalim ng pangulo ang Mindanao sa martial law noong Mayo 2017 bilang tugon sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi. Sa ilalim ng martial law, kontrolado ng militar ang mga lugar, bagamat umiiral pa rin ang Saligang Batas at ang gumagana pa rin ang mga korte. Hindi rin nito awtomatikong sinususpinde ang writ of habeas corpus o pinapayagan ang warantless arrests, maliban na lamang kung sangkot ang mga nais dakpin sa rebelyon o pananakop.

Inaprubahan din noon ng Kongreso ang proklamasyon ng pangulo sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo dahil maaari itong magbunga ng pag-abuso sa karapatang pantao. Sa halip na sa Marawi lamang kung saan nagaganap ang bakbakan, buong Mindanao ang inilagay sa batas militar. Kinatigan ng Korte Suprema noong Hulyo 2017 ang martial law. Noong buwan ding iyon, sa nalalapit na pagtatapos ng 60 araw na martial law sa Mindanao, pinalawig pa ito ng Kongreso hanggang sa katapusan ng 2017. Makalipas ang mahigit apat na buwang sagupaan, idineklarang malaya na ang Marawi mula sa Maute Group. Sa kabila nito, muling pinalawig ng Kongreso ang martial law sa buong Mindanao hanggang matapos ang 2018 upang maubos raw ang mga natitirang puwersa ng rebeldeng grupo. Ito pa rin ang katwiran ng pamahalaan para sa ikatlong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Para kanino nga ba ang martial law sa Mindanao, mga Kapanalig? Sagot nga ba ito sa patuloy na kaguluhan sa Mindanao?

Para sa ilang Muslim at tribal groups sa Mindanao,  hindi sagot ang pagpapatuloy ng martial law sa mga suliraning kinakaharap nila. Pinaiigting nito ang mga pang-aabusong gawa ng militar at paramilitary groups. Ayon sa Sandugo Movement of Moro and Indigenous Peoples, mula nang manungkulan si Pangulong Duterte ay may 54 na katutubo na ang napapatay, mayroong 182 na kaso ng illegal detention, at 67 insidente ng forced evacuation ng tribal communities na mayroong 3,000 na apektadong indibidwal. Tumindi ang lahat ng ito noong idineklara ang martial law sa buong Mindanao. Ayon naman sa grupong Karapatan, umpisa noong Mayo  2017, mayroong 88 katao na sinasabing pinatay ng militar at paramilitary groups, mahigit 1,000 ang iligal na inaresto, at 300,000 na apektado sa pambobomba sa mga komunidad.

Patunay ang muling pag-e-extend ng martial law sa Mindanao na hindi nito tinutuldukan ang nagpapatuloy na kaguluhan doon, na hindi ito ang tamang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan doon. Nakalulungkot na hindi nakikita ng mga pabor sa martial law, kabilang ang ilang mga taga-Mindanao, ang implikasyon nito sa karapatang pantao kapalit ng inaakala nilang mas mapayapang kapaligiran.

Mga Kapanalig, ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan o hidwaan. Bunga ito ng katarungan at pag-ibig. Ang tunay na kapayapaan ay nakatuntong sa tamang pagtingin sa tao, sa pagkilala sa kanyang dignidad, at sa paggalang sa kanyang mga karapatan. Walang kapayapaan kung nilalapastangan ang tao, bagay na nangyayari sa tuwing kumikiling tayo sa paggamit ng dahas upang tugunan ang anumang hamon o problemang kinakaharap natin. Sinisira ng karahasan ang sinasabi nitong layunin nito–ang pangalagaan ang dignidad, buhay, at kalayaan ng tao.

Mga Kapanalig, sa patuloy na pagkiling ng pamahalaan sa karahasan, pagnilayan natin ang mga salita ni St. John Paul II, “Huwag tayong matakot na bigyang-pagkakataon ang kapayapaan at magturo ng kapayapaan… Magsikap para sa kapayapaan [dahil] ito ang magiging huling salita ng kasaysayan.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 4,598 total views

 4,598 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 10,185 total views

 10,185 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 15,700 total views

 15,700 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 26,822 total views

 26,822 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 50,267 total views

 50,267 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 4,599 total views

 4,599 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 10,186 total views

 10,186 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 15,701 total views

 15,701 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 26,823 total views

 26,823 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 50,268 total views

 50,268 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 62,839 total views

 62,839 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 71,322 total views

 71,322 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 64,380 total views

 64,380 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 71,305 total views

 71,305 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 68,398 total views

 68,398 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 78,900 total views

 78,900 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 93,973 total views

 93,973 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 99,937 total views

 99,937 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 104,084 total views

 104,084 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 113,359 total views

 113,359 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top