416 total views
Nagpapasalamat ang Radyo Veritas 846 sa pagtuloy na suporta ng mga Kapanalig lalu na sa pang-araw araw na pakikibahagi sa bawat misang ginaganap sa Veritas Chapel.
Ayon kay Renee Jose, head ng Religious Department ng Veritas846 sa kabila ng pandemya at krisis na nararanasan ng mga Filipino ay nag-uumapaw pa rin ang pagbabahagi ng mga tagapakinig ng kanilang mga biyaya.
“Ang nakakatuwa po, ang mga Filipino, nagiging automatic to share their blessings kahit sa panahon ngayon na pakiramdam natin eh kakaunti ang blessings. Nagugulat tayo na the more they share their blessing and thankful talaga ang mga Filipino kasi being alive ngayon ay malaking malaking blessing na talaga,” ayon kay Jose.
Bukod sa misa tatlong beses isang araw, patuloy din ang pagdami ng bilang mga spiritual frontliners upang ipagdasal ang mga nagtataglay ng sakit gayundin ang kalakasan ng mga kumakalinga sa mga may sakit.
Inilunsad din ng himpilan Undas Veritas 2020: Pag-alala, Panalangin, Pagkilala kaugnay sa paggunita ng sambayanang Filipino ng Todos Los Santos kung saan ay maaring magpadala online ang mga Kapanalig at mananampalataya ng mga panalangin at pamisa para sa kanilang mga yumao.
Sa mga nais na magpadasal at magpamisa ay maglog-in sa www.veritas846.ph/undasveritas2020.
Hinikayat din ang mananampalatayaa na mag-alay ng ‘love offering’ para ipagdasal ang mga namayapang frontliners kung saan magpapadala naman ang kapanalig na himpilan ng e-mass card sa pamilya ng namayapang medical o service frontliners sa pamamagitan ng e-mail.