2,314 total views
Iginiit ng kinatawan mula sa sektor ng edukasyon kay Vice-president at Education secretary Sara Duterte na ang pagbibigay ng umento sa sahod at mga benepisyo sa mga guro ang isa sa kinakailangan hakbang ng pamahalaan para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
“By working with and for teachers and their unions and organizations, the Department of Education would be able to make adequate policies that would be more effective and efficient for all parties involved and in the end, would provide access to quality education for all,” ayon kay Castro.
Kaya’t panawagan ni ACT Teachers partylist representative France Castro sa pangalawang pangulo na suportahan ang ilang mga panukalang isinumite sa Mababang Kapulungan para sa pagpapatupad ng reporma sa sektor na nakapanig sa mga guro at sa edukasyon.
“Recognizing that there is a problem and that the system failed teachers’ is only a step forward. We challenge the VP and DepEd Secretary Sara Duterte to support the pro-teacher and pro-education measures,” giit pa ng mambabatas.
Ito ang tugon ni Castro sa ginawang Basic Education Report 2023 ni Duterte kaugnay sa kalagayan ng edukasyon at ang kinakailangang pagsasaayos ng curriculum ng K-12 program.
Giit pa ng mambabatas na kinakailangan ng political will ng pamahalaan upang maipatupad ang mga pagbabago na magiging daan tungo sa ikabubuti hindi lamang ng mga guro kungdi ng mga mag-aaral.
Kabilang na dito ang HB 203 o upgrading the salary grade of teachers, HB 4383 upgrading teachers allowance, HB 548 regulating class size in all public schools at HB 546 o ang Magna carta of Private school teachers.
Sa isang pahayag ng Santo Papa Francisco, binigyan-diin ang kahalagahan ng tungkulin ng mga guro na hindi lamang tagapagturo ng kaalaman kundi ang paghuhubog sa mga kabataan na maging kapakipakinabang na mamamayan ng lipunan.