529 total views
Salubungin ang bagong taon ng face-to-face classes ng mayroong sigla at pag-asa.
Ito ang mensahe ni Bayombong Bishops Jose Elmer Mangalinao, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, sa mga mag-aaral, guro at mga kawani ng paaralan sa pagsisimula ng school year 2022-2023 sa August 22.
Ipinagdarasal ng Obispo na isabuhay ng bawat isa sa sektor ng edukasyon ang mga aral na natutunan sa mga suliraning idinulot ng COVID-19 pandemic.
“We welcome the new school year with so much hope and enthusiasm, hoping that everybody learned from this pandemic times: How important the face to face medium of instructions, how valuable to see your teachers, classmates and friends each day,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.
Inaasahan rin ng Obispo ang kagalakan ng mga guro sa panunumbalik ng face-to-face classes ngayong taon matapos ipagbawal at limitahan para sa kaligtasan laban sa virus.
Panalangin ni Bishop Mangalinao na makakamit ng lahat ang layunin sa pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, magulang o legal guardian, kawani at maging ng mga estudyante.
“I pray that as we are given another chance to begin again, may we all learn that we are blessed with the gifts of life, faith and mission, I pray too that all those involved in the training, formation and education of our young, may, take to heart the mission of helping them see the meaning of life by their words and actions,” panalangin ng Obispo para sa S.Y. 2022-2023.
Bagamat nagpapatuloy ang enrollment period ng mga estudyante, ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na nasa 22.5-milyon na ang enrollees sa pribado at mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.
Nakapaloob sa DepEd Department Order No.34 na sa pagsisimula ng klase ay ipapatupad muna ang hybrid learning systems ng online classes, face to face classes at modular learning systems hanggang November 02 na araw ng implementasyon ng 100-porsiyentong F2F classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.