4,438 total views
Hinikayat ng mga obispo mula sa Luzon ang mananampalataya na manalangin upang ipag-adya ang lahat mula sa posibleng pinsalang dulot ng papalapit na bagyo na may international name Mawar.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dahil sa inaantabayanang bagyo ay isinasagawa na sa mga parokya ang pananalangin ng Oratio Imperata gayundin ang pag-aalay ng dasal sa mga parokya.
“We are already praying the ‘Oratio Imperata’ and offering our Holy Masses that God in His mercy and power, the typhoon will not make landfall, it will be weakened and dissolved,” ayon kay Bishop Santos.
Nawa ayon sa obispo ay humina ang taglay na lakas ng bagyo at mailigtas mula sa kapahamakan ang mamamayan.
“We pray that we will be spared and be saved from dangers and calamities. We put our trust to God and rely on His saving words and works. It is our hope that God hears us and help us. May our blessed Mother Mary take us under her maternal embrace and protection,” ang bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Tiniyak naman ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang ginagawang paghahanda ng Social Action Center ng diyosesis sa mga maaring maapektuhan, gayundin ang pagbubukas ng mga parokya bilang pansamantalang tutuluyan ng mga magsisilikas.
Ito ayon sa obispo ay bukod pa sa mga nakatalagang evacuation centers ng lokal na pamahalaan.
Panalangin naman ni Bishop Mallari ang sama-samang pananalangin para hingin ang tulong ng Panginoon para sa kaligtasan ng lahat laban sa super typhoon.
Nawa sa kabila ng mga pagsubok ay maging daan ang kalamidad sa pagkakaisa ng bawat Filipino.
“Ama namin sa langit, Ikaw po ang pinanggalingan ng aming buhay; Ikaw ang pinanggalingan ng lahat ng mga nilalang, Ikaw ang pinanggalingan ng kalikasan.
Hinihiling po naming sa Inyo sa kapangyarihan ding nasa Inyo bilang aming tagapaglalang na protektahan po Ninyo ang Inyong bayan sa darating na super typhoon. Sana po ay magkaroon kami ng katatagan para harapin ito at iiwas Niyo po ang madami mula sa kasiraan na dala ng bagyo.
Ikaw po ang may alam ng lahat-lahat, inilalagay po namin sa Inyo ang aming buhay, ang aming bansa, ang aming pamilya. Alam namin na kung kasama ka namin ang lahat ay makakayanan, kung kasama ka Namin ang lahat ay nagiging posible. Ang imposible ay nangyayari.
“Sana po ay magkaroon kami ng katatagan para harapin ito at iiwas Niyo po ang madami mula sa kasiraan na dala ng bagyo.
Kaligtasan po ang hinihiling po namin, proteksyon, at katatagan…at mas maalab pang pananampalataya para sa lahat.” ang panalangin ni Bishop Mallari.
Ang typhoon Mawar na may local name na super typhoon Betty ay nasa loob na ng teritoryo ng Pilipinas na maaring makaapekto sa mga lalawigan sa Nothern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 195 kilometro at pagbugsong 240 kilometro kada oras na kumikilos pasilangan hilagang-silangan sa bilis na 25 kilometro kada oras.