24,463 total views
Nanawagan ang Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon sa Bohol sa bawat mamamayan na magkaisang kumilos laban sa muling paglaganap ng iligal na droga sa lalawigan.
Nababahala sina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon dahil kaakibat sa paglagap ng ipinagbabawal na gamot ang malaking panganib sa kalusugan ng mamamayan at banta sa seguridad ng lipunan gayundin sa bawat pamilya.
Apela nito sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang na masugpo ang iligal na droga para sa kapakinabangan ng mamamayan.
“We challenge our local government units, police authorities, and government agencies to redouble their efforts in addressing the menace of drugs in our localities. It may be necessary to consider imposing a curfew for young people to protect them from the influence of drugs and other harmful activities during vulnerable times of the day,” ayon sa pahayag ng dalawang obispo.
Gayunpaman iginiit ng mga lider ng simbahan sa Bohol na sa pagpatupad ng mga polisiya ay kinakailangan ang wastong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at lahat ng sektor ng pamayanan.
Binigyang diin ng mga obispo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamayanan sa paglutas ng suliranin ng droga.
“As we navigate these troubled waters, it is imperative that we, as a community, come together to combat this evil. Families, especially parents, play a crucial role in educating and guiding their children about the dangers of drugs. Parents must engage in open and honest conversations with their children, instilling in them the values of self-respect, discipline, and resilience to resist the temptations of drug use,” pahayag ng dalawang obispo
Sinabi pa nina Bishops Uy at Parcon na malaking tungkulin din ang gagampanan ng sektor ng edukasyon para sa pagbabahagi ng masamang epekto ng iligal na droga sa kalusugan ng tao.
Batay sa ulat ng Bohol Provincial Police Office (BPPO) umabot sa 25 kilong nahuling shabu na nagkakahalagang 170 milyong piso sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa nakalipas na 14 na buwan.
Nakahanda ang dalawang diyosesis na tumulong sa pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga.
“Andam ang mga Diyosesis sa Tagbilaran ug Talibon sa pakigtambayayong sa gobyerno diha sa paningkamot nga kining droga masumpo. Makatabang ang mga kapilya ug clusters aron mapaabot sa kinaubsang hut-ong sa kabarangayan ang mga information materials nga andamon alang niini. Amo usab nga gidasig ang mga Catholic schools dinhi sa ato sa paglusad og programa isip kontribusyon niining maong paningkamot,” saad nina Bishops Uy at Parcon.
Nakahanda ang Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon na makipagtulungan sa gobyerno sa pagsisikap na sugpuin ang droga. Ang mga kapilya at clusters (BECs) ay makatutulong upang maabot ang kanayunan sa pamamahagi ng information materials para sa kampanya. Hinihikayat din namin ang mga Catholic schools na maglunsad ng isang programa bilang pakikiisa sa layuning ito