Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

SHARE THE TRUTH

 13,325 total views

Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Ayon sa Pari, hindi na dapat mabahala ang magigiting na pulis na itama ang mga naganap na mali sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil tapos na ang panahon ng mga Duterte.

Ipinaliwanag ni Fr. Villanueva na hindi dapat na hayaan ng mga pulis na tuluyang mabansagan ang PNP na “malaking crime syndicate” na kumikilos sa tiwali at baluktot na utos ng mga opisyal ng nakalipas na administrasyon.

“Sa mga magigiting na pulis na ngayon ay marahil nababagabag sa kanilang mga nadidinig na mga balita tungkol sa nagdaang patayan at kampanya ng giyera laban sa droga, tapos na po ang panahon ng mga Duterte. Ito ay isa sa pinakamalagim, kung hindi pinakamadugo na kabanata ng ating kasaysayan, ayaw po natin at huwag po sana natin ilagay ang ating sarili, ang malinis nating pangalan sa peligro at sa bansag na tayo ay may dugo sa ating mga kamay. Maari pa itong baguhin, maari pa tayong magpahayag at kung anuman ang mali na ating nagawa dahil tayo ay sumunod sa tiwali at sa baluktot na utos, maari pa natin itong bigyan ng katarungan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari, founder ng Program Paghilom para sa mga naiwang kaanak ng mga biktima ng extra-judicial killings dulot ng War on Drugs, na maari pang magbago ang mga magigiting na alagad na batas at makatulong sa pagbibigay katarungan sa mga biktima ng War on Drugs.

Iginiit ni Fr. Villanueva na mahalaga ang pagtestigo at pagpapatotoo ng mga pulis sa kanilang naging pagsunod sa pagsasakatuparan ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng dating pangulong Duterte at dating PNP Chief na ngayo’y Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ayon sa Pari, napapanahon na samantalahin ang pagsibol ng katotohanan upang mabigyan ng katarungan ang lahat ng mga biktima ng War on Drugs sa pamamagitan ng pagsiwalat sa mga naganap noong nakalipas na administrasyong Duterte.

“Sa ngalan po bilang Pilipino, bilang maka-Diyos at sa mga kaluluwa na pinatay, pinaslang na walang kalaban laban, maari pa natin silang bigyan ng katarungan sa inyong pagtestigo, sa inyong pagpapatotoo na kayo ay ginamit lamang, inutusan lamang, binayaran lamang upang maisakatupan ang sakim na plano sa pangunguna ni Rodrigo Duterte at ni Senator Bato Dela Rosa. Hindi po kayo dapat na matakot sapagkat ito na po ang katotohanan sumisibol at patuloy ng inilalabas, pagsamantalahan po natin ang katotohanang ito at tayo ay pumanig kasama ang mga ating mga kababayan na naninindigan sa katotohanan at higit sa lahat ang Diyos na mapagkalinga sa tuwina.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Batay sa isinumiteng affidavit ni Espenido sa pagharap nito sa House Quad Committee ay ibinunyag ng opisyal ang pag-iral ng quota at reward system sa Philippine National Police sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte kung saan nagtakda ng 50 hanggang 100 na mapapatay na drug suspek kada bawat araw habang nasa P20,000.00 naman ang reward na matatanggap ng mga pulis.

Matatandaang taong 2016 ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang Program Paghilom upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng adminisrasyong Duterte.

Upang mapalawak ang misyon ng Program Paghilom ay itayo ng AJ Kalinga Foundation ang Dambana ng Paghilom – Himlayan ng mga biktima ng EJK sa La Loma Cemetery sa Caloocan na nagsisilbi ring kauna-unahang EJK Memorial site.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 300 ang mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga biktima ng EJK sa bansa.(reyn)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 3,212 total views

 3,212 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 53,775 total views

 53,775 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 2,867 total views

 2,867 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 58,957 total views

 58,957 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 39,152 total views

 39,152 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 2,474 total views

 2,474 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 2,557 total views

 2,557 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 2,635 total views

 2,635 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 3,048 total views

 3,048 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 5,589 total views

 5,589 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 5,980 total views

 5,980 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 5,621 total views

 5,621 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 7,435 total views

 7,435 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 7,884 total views

 7,884 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 7,917 total views

 7,917 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 8,444 total views

 8,444 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 13,389 total views

 13,389 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 12,199 total views

 12,199 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 14,543 total views

 14,543 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 12,795 total views

 12,795 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top