301 total views
Ipinapanalangin ng International Catholic Migration Commission (ICMC) ang katatagan ng lahat ng mga biktima ng iba’t ibang uri ng pananamantala sa daigdig.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pangulo ng ICMC Asia-Oceania Working Group,mahalagang tulungan ang mga biktima ng human trafficking lalo sa panalangin upang manatiling matatag sa paglaban sa bawat hamon.
Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paggunita ng World Day against Trafficking in Persons na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 30. Partikular na tinukoy ni Bishop Santos ang mga Overseas Filipino Workers na lantad sa panganib ng pang-aabuso sa ibayong dagat.
“We pray for our dear OFW’s who are sufferings, who are victims of Human Trafficking; that they may have courage in spite of what is happening and of what they have endured,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Hinikayat ng opisyal ang mga biktima ng pananamantala na manindigan para sa kanilang karapatan at ipagbigay alam sa awtoridad upang mabigyang katarungan. Ipinanalangin din ni Bishop Santos ang pagpapanibago ng puso ng mga indibidwal na sangkot sa human trafficking.
“Convert them that they will renounce craving of the flesh and violence. Convert them and they may not to resort to destruction and death. Convert them to know and accept that every life is sacred, everybody is valuable, all are created in God’s image and likeness. Touch them, transform them to be truly “brother’s keeper” (Genesis 4,9) to one another,” ani ng obispo.
Batay sa tala ng pamahalaan mahigit sa 10 milyon ang bilang ng mga OFW sa iba’t ibang bahagi ng daigdig habang ayon naman sa pag-aaral ng United Nations halos 800-libong Filipino na karamihan ay kababaihan at kabataan ang biktima ng modern-day slavery.
Bukod pa rito dasal din ni Bishop Santos ang katatagan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa epekto ng COVID-19 pandemic na mahigit sa isang taon nang umiral sa buong daigdig.
“Oh, merciful Father, we pray that with our now perilous and difficult situations in life, Because of this uncertain and unprecedented Covid19 pandemic we may remain calm and more careful, we may stay strong, safe and sound in body and spirit. Make us compassionate and charitable to those who are in dire needs, to those who are suffering, and those who have lost loved ones,” saad pa ng opisyal.