Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Pilipino, hinamong kumilos para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 15,072 total views

Nananawagan ang Caritas Philippines sa mamamayan sa agarang pagkilos at pagkakaisa kasabay ng pagdiriwang sa 2024 Season of Creation.
Ayon sa social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bilang mga katiwala ng sangnilikha, tungkulin ng bawat isang kumilos para sa kapakanan ng mga lubhang apektado ng pagkasira ng kalikasan at krisis sa klima.

Ibinahagi nito ang kasalukuyang kalagayan ng mga likas na yaman ng Pilipinas na unti-unting napipinsala at nauubos, at nagpapahirap sa mga apektadong pamayanan dahil sa patuloy na mga gawain kapalit ng pag-unlad ng ekonomiya.

“The suffering of our communities, plagued by relentless coal and mining operations, reclamation projects, oil spills, deep-sea quarrying, and other harmful activities, is a clear sign of creation’s “groaning” under the weight of exploitation, all in the name of economic progress,” pahayag ng Caritas Philippines.

Hinikayat ng Caritas Philippines ang higit pang pagpapatibay sa pagsisikap na pangalagaan ang inang kalikasan sa pamamagitan ng pinag-isipan, tiyak, at makabuluhang inisyatibo na tutugon sa umiiral na krisis sa kapaligiran.

Una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pangangailangan para sa magkakatuwang na pagkilos na sumasalamin din sa layunin ng 2024 Season of Creation na may temang “To Hope and Act with Creation”.

Sa mensahe ng Santo Papa para sa World Day of Prayer for the Care of Creation, nagbabala ito na sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya, ang tao’y nagiging banta sa maraming anyo ng buhay, kabilang na ang sariling kaligtasan.

“Unchecked power, he cautions, creates monsters that eventually turn against us. He underscores the urgency of placing ethical boundaries on artificial intelligence development, as its capacity for calculation and simulation could be used for domination over humanity and nature, rather than being harnessed for peace and integral development,” paliwanag ng Caritas Philippines.

Umaasa ang Caritas Philippines na ngayong Panahon ng Paglikha, ang bawat isa’y maging bahagi sa pagtataguyod para sa kapakanan ng nag-iisang tahanan.

“This Season of Creation, let us stand bravely against environmental destruction and human rights violations, advocating for justice and the protection of our common home,” apela ng Caritas Philippines.

Ipagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre – kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang ikalawang linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 58,569 total views

 58,569 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 68,568 total views

 68,568 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 75,580 total views

 75,580 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 85,224 total views

 85,224 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 118,672 total views

 118,672 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 12,313 total views

 12,313 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 14,347 total views

 14,347 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top