14,981 total views
Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance.
Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula sa World Union of Catholic Teachers (WUCT) na magbabahagi ng kanilang mga kaalaman at pagninilay kaugnay sa temang “Education and Leadership: Keys to Good Governance, Hope and Joy”.
Isasagaw ang international webinar sa ika-14 ng Setyembre, 2024 ganap na alas-tres ng hapon oras sa Pilipinas kung saan dalawa sa magbabahagi ng kaalaman ay Pilipino sa pangunguna ni Prof. Cheryl Peralta, DrPH – Vice Rector for Academic Affairs ng University of Santo Tomas at Bro. Francisco Xavier Padilla, Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
“On September 14, 2024, Saturday, at 3:00 pm (1500 hrs.Manila) , the Catholic Teachers’ Guild of the Philippines,(CTGP), Member, Union Mondiale des Enseignants Catholiques (UMEC)- World Union of Catholic Teachers (WUCT), will hold an international webinar on the theme, “ Education and Leadership: Keys to Good Governance, Hope and Joy.”
This significant event is done in association with the Sangguniang Laiko ng Pilipinas. Among the Guest Speakers is our very own President of Sangguniang Laiko, Bro. Francisco Xavier S. Padilla.” Bahagi ng paanyaya ni Prof. Tangco.
Ayon kay Prof. Tangco, ang gawain ay bahagi rin ng paghahanda para sa 2025 Jubilee Year of the Church as Pilgrims of Hope.
“This webinar is held in consonance with the celebration of the Jubilee Year of the Church as Pilgrims of Hope.” Dagdag pa ni Prof. Tangco.Katuwang ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) sa pagsasakatuparan ng webinar ang Member, Union Mondiale des Enseignants Catholiques (UMEC)- World Union of Catholic Teachers (WUCT) gayundin ang National Council of the Laity Philippines o Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Para sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang international webinar ay makipag-ugnayan lamang sa LAIKO Secretariat sa pamamagitan ng official Facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.