Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sandamakmak na plastic

SHARE THE TRUTH

 475 total views

Mga Kapanalig, inanunsyo na ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan. Sa pag-iral ng hanging habagat at sa pagpasok ng mas maraming bagyo sa ating bansa, asahan natin ang mga pag-ulang magdudulot ng pagbaha, lalo na rito sa Metro Manila.  

Ang mga pagbahang ito ay palalalain ng napakaraming basura sa ating paligid. Noong 2020 nga, umabot sa 16.6 million metric tons ng basura ang na-generate sa ating bansa. Kaya nitong punuin ang mahigit apat na libong Olympic-sized swimming pools! Ganitong karaming basura ang mayroon tayo sa kabila ng pagkakapasá noong 2001 ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act. Dahil dito, sinabi ng Commission on Audit noong isang buwan na bigo ang ating waste management program na pigilan ang pagdami ng basurang ating itinatapon. 

Malaking bahagi ng basurang itinatambak sa mga landfills at inaanod sa mga karagatan ay ang mga plastic na hindi kailanman mabubulok. Alam ba ninyong pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo kung ang pag-uusapan ay ang dami ng plastic na hinahayaang mapunta sa katubigan? Ito ang mga plastic na mula sa mga sapa at estero hanggang sa mga ilog at dagat. Sa tantya ng World Bank, nasa 0.75 million metric tons ng tinatawag na mismanaged plastic na nakalutang sa mga karagatan ang mula sa ating bansa. Taun-taon, ang mga ilog natin—lalo na ang Ilog Pasig dito sa Metro Manila—ay nagdadala ng mahigit 350,000 metric tons ng plastic sa mga karagatan. Sa listahan ng sampung ilog sa buong mundo na may malaking kontribusyon sa pandaigdigang plastic pollution, pito ang matatagpuan sa Pilipinas. Hindi ito nakaka-proud, mga Kapanalig. 

Kaya naman, isinusulong ng iba’t ibang makakalikasang grupo gayundin ng ating Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang pagsasabatas ng tinatawag na extended producer’s responsibility (o EPR) law. Kung magiging batas ito, magiging obligasyon ng mga kompanyang nagpo-produce ng mga produktong naka-plastic ang recovery, treatment, recycling, at disposal ng mga ito matapos bilhin at gamitin ng mga mamimili. Sa ganitong paraan, mababawasan ang itinatapong plastic ng mga consumers. Pirma na lamang ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr ang hinihintay upang lubusang maging batas ang EPR law.

May kakulangan pa rin ang panukalang batas. Noong isang taon pa sinabi ng grupong EcoWaste Coalition na hindi sapat na ilagay sa mga manufacturers ang pangunahing responsabilidad na maayos na naitatapon ang kanilang mga produktong may plastic. Ang mahalaga raw ay himukin ang mga korporasyong maghanap ng ibang paraan ng packaging na hindi gumagamit ng plastic. Kung hanggang recovery, treatment, at recycling lang daw ang magiging pananagutan ng mga korporasyon para sa mga produkto nilang naka-plastic o may plastic, hindi talaga lubusang matutuldukan ang plastic pollution.

Ngunit sa huli, ang tagumpay ng anumang batas ay nakasalalay sa pagsunod ng mga mamamayan. Sa usaping pangkapaligiran at sa isyu ng plastic pollution, malaking bagay ang tinawag ni Pope Francis sa Laudato Si’ na “ecological conversion.” Ito ay isang espirituwalidad na nag-uudyok sa ating magkaroon at magpamalas ng matinding na pag-aalala para sa proteksyon ng ating mundo. Kailangan nating linangin ang isang kaloobang handang makipagkasundo sa kalikasang sinisira natin at pinababayaan natin.7 Sa ganitong paraan, magagawa nating mga Kristiyanong maialay ang ating mga sarili “bilang isang handog na buháy, banal, at kalugud-lugod sa Diyos”, wika nga sa Mga Taga-Roma 12:1. At kapag makamit natin ang pagbabagong ito, madali nang iangat ito sa mga hakbang na maaaring pagtulungan ng mga komunidad at sa mga patakarang dapat na seryosong ipinatutupad ng pamahalaan, katulad ng EPR law. 

Mga Kapanalig, maliban sa bagong batas, bagong pamumuhay ang kailangan upang hindi tayo lubusang malubog sa sandamakmak na plastic 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,696 total views

 21,696 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,352 total views

 36,352 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,467 total views

 46,467 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,044 total views

 56,044 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,033 total views

 76,033 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,697 total views

 21,697 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,392 total views

 2,392 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,353 total views

 36,353 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,468 total views

 46,468 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 56,045 total views

 56,045 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,034 total views

 76,034 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,889 total views

 47,889 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,914 total views

 42,914 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,483 total views

 46,483 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,938 total views

 58,938 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,005 total views

 70,005 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,324 total views

 76,324 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,935 total views

 80,935 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,495 total views

 82,495 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,056 total views

 48,056 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top