18,114 total views
Nagpahayag ng mariing paninindigan ang Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Cebu laban sa paukalang pagsasabatas ng Absolute Divorce sa Pilipinas.
Sa opisyal na pahayag na nilagdaan ni Archdiocese of Cebu – Commission on the Laity chairman Fe Barino, ay iginiit ng Sangguniang Laiko ng Cebu na ang diborsyo ay makasisira sa kasagraduhan ng sakramento ng kasal na ipinagkakaloob ng Panginoon sa mga mag-asawa.
“We, the Laity in the Archdiocese of Cebu, oppose the legalization of divorce in the country. Marriage is a sacred covenant between a man and a woman, established by God. It is a sacrament, a visible sign of God’s grace. Divorce violates this sacred bond, nullifying the permanence and indissolubility of the marital union.” Bahagi ng pahayag ni Barino.
Paliwanag ni Barino, maisasantabi ng diborsyo ang sinumpaang pangako ng mga nag-iisang dibdib sa harap ng Diyos na tuwinang magmahalan at magsama sa hirap at ginhawa sa kabila ng anumang mga problema o pagsubok na kanilang maaaring kaharapin sa buhay mag-asawa.
Giit pa ng pangulo ng Sangguniang Laiko ng Cebu, tahasan ding binabalewala ng diborsyo ang banal na utos ng Panginoon na hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.
Pagbabahagi ni Barino, mahalagang pagtulungan at pagsumikapan ng mag-asawa na malagpasan ang anumang pagsubok sa kanilang buhay mag-asawa sa pamamagitan ng paghahanap ng gabay upang magkaroon ng mas matatag na relasyon at pagsasama sa buhay.
“Marriage vows are taken by the spouses before God, promising to love, honor, and remain faithful to one another until death. Divorce undermines the seriousness and sacredness of these vows. The divorce law negates the divine command that no man should separate what God has joined together. Here, man puts himself above God. We encourage couples to work through difficulties, seek reconciliation, and grow in their commitment to one another.”
Dagdag pa ni Barino.
Ayon sa LayKo Cebu, maaring magkaroon ng negatibong epekto ang diborsyo hindi lamang para sa bawat indibidwal at pamilya kundi maging sa lipunan sapagkat mahalaga ang katatagan ng matrimonya at ng pamilya para sa pagtataguyod ng kabutihang pangkalahatan o ng common good at pagkakaroon ng matatag, maunlad at mapayapang lipunan.
“The stability of marriages and families contributes to the well-being and stability of society as a whole. Divorce can have negative effects on individuals, families, and communities. Upholding the permanence of marriage promotes the common good and the flourishing of society.” Ayon pa kay Barino.
Ang naturang pahayag ng Archdiocese of Cebu – Commission on the Laity ay kasunod na din ng pagpasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill noong ika-22 ng Mayo, 2024.
Sa kasalukuyan tanging ang Pilipinas na lamang ang natatanging bansa sa buong daigdig bukod sa Vatican na walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo.