1,125 total views
Kapanalig, isa sa pinakamalaking senyales ng kahirapan ay ang kawalan ng sanitation facilities. Ang development o kaunlaran ay mahirap abutin kung hindi natin bibigyang pansin ang sanitasyon, kaakibat ang tubig at hygiene.
Ang maayos na sanitasyon ay integral sa kalusugan ng tao. Kapag wala ito, mabilis kumalat ang mga sakit gaa ng diarrhea, na isa sa pangunaing sanhi ng kamatayan sa mga bata.
Ayon sa pagsusuri ng Asian Development Bank (ADB), kung tubig ang pag-uusapan , mataas na nag water supply coverage sa Asya. Ito ay 92%. Pero pagdating naman sa sanitation coverage at hygiene, 65% lamang ng 4.3 bilyong tao sa Asya ang may access sa mga pasilidad noong 2015.
Ayon sa UNICEF, ang mga paaralan sa ating bansa ay hirap sa isyu ng sanitasyon, lalo na sa kanayunan. Noong 2010, nagkaroon ng survey ang Department of Education kung saan mahigit pa sa 7,000 na primary schools ang walang tuloy tuloy na suplay ng tubig at mahigit na 90,000 kasilyas ang kailangan kumpunihin upang maabot nito ang “standard.”
Sa buong bansa naman, ayon sa Progress on Sanitation and Drinking Water: 2015 Update and MDG Assessment, 7.1 milyong Pilipino pa rin ang nagpa-praktis ng “open defacation” habang 570,000 ang gumagamit ng “unimproved sanitation facilities” gaya ng balde. Ang open defacation ay ang pagtapon ng dumi sa mga taniman, damuhan, sa mga katwang tubig o iba pang open spaces.”
Kapanalig, ang sanitasyon ay dapat iprayoridad sa ating bansa, lalo pa’t malaki ang epekto nito sa kalusugan ng mamamayan. Nakakatapgtaka na marami pala tayong budget na maaring maitoka sa iba ibang programa, gaya ng ating laban sa droga, ngunit salat tayo pagdating sa pagpapatayo ng maayos na sanitation facilities para sa maralita.
Kapanalig, alalahanin na isang senyales o kongkretong ebidensya ng rich-poor divide ay ang kawalan ng pasilidad na pang-sanitasyon ng maraming maralita, habang sa mga maykaya, tatlo o higit pa ang banyo sa iisang bahay. Sa maraming mga lugar maralita, pangarap na ang mga communal sanitation facilities. Communal na nga ito, hindi pa natin maibigay sa kanila.
Pumapatay din ng tao ang kawalang ng sanitasyon. Ayon sa United Nations, mahigit pa sa 300,000 na bata kada tao ang namamatay sa mga sakit na dulot ng kawalan ng sanitation facilities.
Dignidad kapanalig ang kaakibat o katuwang ng sanitasyon. Kapag wala ang mga batayang sebisyong ito sa mga mamamayan, dignidad nila ang ating tinatapakan. Kapanalig, sa puntong ito, dinggin natin ang mga pahayag mula sa Gaudium et Spes: Anumang bagay na nang-iinsulto sa dignidad ng tao gaya ng di –makataong kondisyon ng buhay ay kahiya-hiya. Ito ay lason sa ating lipunan.