270 total views
Nasa 12 parokya ng Archdiocese of Manila ang inihahanda na para sa programa nito na tinatawag na ‘SANLAKBAY Sa Pagbabago ng Buhay’ sa mga drug surrenderers.
Ayon kay Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, priest in charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese, kinakailangan na maayos ang pagsisimula ng programa ng nasabing mga parokya kaya’t patuloy ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng mga barangay at ng Philippine National Police.
Sinabi ng pari na kailangan muna ang mga orientation bilang hakbang kung paano tutugunan ang pangangailangan ng mga sumukong drug dependents.
Dagdag ng pari, sa kasalukuyan, may 3 ng parokya ang Archdiocese of Manila ang aktibo na sa pagpapatupad ng Sanlakbay kabilang dito ang mga parokya ng San Roque, Sta. Monica sa Tondo at Our Lady of Remedies sa Malate Maynila.
“Okey naman ngayon, nagsimula tayo sa maliit pero ngayon may 11-12 parokya na inaayos namin para magsimula pero yung on-going ngayon nasa San Roque at Santa Monica parishes sa Tondo at ang isa sa Our Lady of Remedies Malate Church. Merun din tayo sa San Juan at Makati pero inaayos pa ito, kailangan organized na magkaroon ng orientation muna since bagong hakbang ito para sa mga surrenderers. Kailangan kasi ng pag mi-meeting sa barangay, sa PNP at sa parokya, since bago lamang ito, mahalagang masimulan ito ng may tamang impormasyon at inihahada ang lahat.” pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng Radio Veritas.
Pahayag pa ni Fr. Dela Cruz, marami na rin ang gustong makilahok sa trainings at umaasa siya na magbubukas ito sa iba pang parokya at huwag matakot na tumulong para sa pagbabagong buhay ng mga biktima ng iligal na droga.
Ang Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay program ay binubuo ng Caritas Restorative Justice Ministry, Center for Family Ministries (CEFAM), University of Sto.Tomas Graduate School Psycho-Trauma(UST-GS-PRC), DAP, PCCID, Department of Health, Department of Interior and Local Government(DILG), Philippine National Police(PNP) at Radio Veritas.
Una ng inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na tiwala siya na sa pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan sa programang “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” ay makamit ang inaasam na pagbabagong buhay ng mga drug surrenderers.
Una ng umaasa si Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sa pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan sa programang “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” ay makamit ang inaasam na pagbabagong buhay ng mga drug surrenderers.
Dagdag ng Kardinal, tatlong aspekto ang mai-aalay ng Simbahan sa pagkalinga sa mga drug surrenderer na nagnanais magbagong buhay gaya ng paghubog sa buhay espiritwal ng mga sumukong drug addicts at drug pushers para makilala nila ang Panginoon sa pamamagitan ng salita ng Diyos, Katesismo at pagharap sa buhay kung sino sila at kung ano ang tingin sa kanila ng Poong Maykapal.
Sa latest report ng Philippine National Police sa nakalipas na 6 na buwan, humigit kumulang na sa 1.2 milyon ang drug surrenderers sa bansa kasabay ng operasyon ng pamahalaan na Oplan Tokhang.
http://www.veritas846.ph/dilg-nagpasalamat-sa-pakikiisa-ng-simbahan-sa-drug-rehab-program/
http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/