1,546 total views
Naniniwala ang kinatawan ng Santo Papa Francisco sa kahalagahan sa pagpapatuloy ng mga tradisyon ng simbahan, tulad ng nakagawiang pagdaraos ng Reyna Elena o Santa Cruzan sa buwan ng Mayo.
Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ito ay isang paraan upang maipakita ang kagandahan ng pananampalataya.
Kaya’t mungkahi ng opisyal ng Vatican ang pagpapaloob ng katesismo sa bawat tradisyon tulad ng Simbang gabi, at Santo Niño upang mapalapit at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mananampalataya.
“We need to really honor and cherish these popular devotions. But try to use them as an opportunity for evangelization but also to catechize them. Sometimes, they need, you know, a catechetical element,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit on-the-air ng Radio Veritas.
Ang buwan ng Mayo ay bahagi ng Marian Month o buwan na itinalaga sa Mahal na Birhen na kilala rin sa Pilipinas bilang ‘fiesta month.’
Kabilang din sa mga ipinagdiriwang tuwing Mayo ay ang Feast of Our Lady of Fatima at ang Feast of the Visitation of the Blessed Virgin.