Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Niño de Baseco parish, nagpapasalamat sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 8,694 total views

Nagpapasalamat ang Santo Niño de Baseco sa pagpapatuloy ng Unang Yakap Program ng Caritas Manila sa Parokya.

Ito ang mensahe ni Fr.Anthony Acupan OSA sa programang nagpapakain sa mga buntis at lactating mothers sa Parokya at iba pang bahagi ng Metro Manila upang labanan ang malnutrisyon.

Ayon sa Pari, malaking tulong ang programa upang makamit ng mga ina ang mga kinakailangang nutrisyon habang ipinagbubuntis o pinapasuso ang kanilang mga sanggol.

“Ako po’y nagpapasalamat sa Caritas Manila at sa Alvarez Foundation dahil sa binigay na pagpapala sa pamamagitan ng pamamahagi nila ng kanilang mga pinaghirapang mga biyaya para sa amin dito sa Baseco lalung-lalu na sa aming mga nanay,” ayon sa mensahe ni Fr.Acupan.

Ipinarating din ng Pari ang pasasalamatg sa mga volunteers at kawani ng Caritas Baseco na katulong ng Caritas Manila at Alvarez Foundation sa integrated nutrition program.

Bukod sa pagpapakain, binibigay sa mga benepisyaryo ang mga bitamina upang manatiling malusog ang pangangatawan habang inaaruga ang kanilang mga anak.

“Kahit wala silang bayad kahit marami silang ginagawa, kahit mayroon silang sariling pamilya na minsan di na nila naalagaan para lamang makatulong sa ibang tao kaya nagpapasalamat ako sa kanila at taos-puso akong nananalangin para sa kanilang lahat, sa Caritas Manila, sa Alvarez Foundation, Caritas Baseco.” ayon pa sa mensahe ni Fr.Acupan.

Sa datos Caritas Manila, noong 2022 ay natulungan ang 75-libong mga bata na makaahon o maiwasan ang malnutrisyon na maaring magdulot ng stunting o pagkabansot at pagkamatay sa murang edad.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 20,601 total views

 20,601 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 28,379 total views

 28,379 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 36,559 total views

 36,559 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 52,862 total views

 52,862 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 56,805 total views

 56,805 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 7,706 total views

 7,706 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 9,332 total views

 9,332 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top