Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Nino de Pandacan parish, pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

 214 total views

August 22, 2020

Pinatunayan ng Santo Niño de Pandacan Parish na hindi hadlang ang trahedyang naranasan upang lingapin ang mga higit nangangailangan sa gitna ng krisis ng corona virus pandemic.

Sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila, namahagi ng tulong ang parokya para sa mga jeepney drivers na namamasada sa lugar na labis din ang pangangailangan dulot ng kawalan ng hanapbuhay sa nakalipas na halos anim na buwan mula nang magpatupad ng community quarantine sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila pinasalamatan nito ang Panginoon at naging instrumento ang institusyon upang padalayin sa mananampalataya ang mga biyayang kaloob.

“Nasunog na, tumutulong pa ang ating pinakamamahal na patron ng Santo Niño; nagpasalamat tayo sa Diyos at muli tayong ginamit ng Panginoon upang makapagbigay ng ayuda sa ating jeepney drivers; tayo ay instrumento ng Santo Niño upang matulungan ang mga drivers,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Mahigit sa isandaang mga tsuper ng jeep na pumapasada sa paligid ng Pandacan ang nakatanggap ng tulong tulad ng sampung kilong bigas, de lata, mga gamot at iba pa.

Ayon kay Fr. Pascual, patuloy ang pagkilos ng Caritas Manila kung saan target nitong matulungan ang sampung libong jeepney driver sa kalakhang Maynila.

Nais ng social arm ng simbahan na tulungang makapagtayo ng kooperatiba ang mga tsuper bilang long-term na tulong para sa kanilang kabuhayan at makabili ng bagong jeep ayon sa itinakda sa modernization program ng gobyerno.

Samantala, labis din ang pasalamat ni Rev. Fr. Sanny de Claro, ang kura paroko ng Santo Niño de Pandacan sa Caritas Manila na maging bahagi sa pamamahagi ng tulong sapagkat ito ay paraan din ng paghilom mula sa nakalulungkot na karanasan nang matupok ng apoy ang simbahan noong ika-10 ng Hulyo.

“Nagpapasalamat ako sa Caritas Manila sa napakahusay na ginagawa sa community; you let us heal also sapagkat part ng healing process ay ang pagkakawanggawa,” ayon kay Fr. de Claro.

Tuloy-tuloy pa rin ang proseso at panawagan ng parokya sa mamamayan na magtulungang itayo muli ang simbahan kung saan pinasalamatan ni Fr. de Claro ang mga tumulong tulad ni Manila Mayor Isko Moreno.

Tiniyak din ng Caritas Manila sa pamunuan ng Santo Niño de Pandacan parish ang tulong pinansyal hanggang sa muling maitayo ang simbahan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,003 total views

 6,003 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,118 total views

 16,118 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 25,695 total views

 25,695 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,684 total views

 45,684 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,788 total views

 36,788 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Charismatic leaders sa Asia-Oceania, magtitipon sa Cebu

 17,942 total views

 17,942 total views Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na makatutulong ang charismatic groups sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan sa tulong at gabay ng Espiritu Santo. Ito ang mensahe ng arsobispo sa paghahanda ng Archdiocese of Cebu sa kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa July 27 at 28 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 18,213 total views

 18,213 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 20,403 total views

 20,403 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 24,725 total views

 24,725 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 27,154 total views

 27,154 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Diocese of Alaminos, humiling ng panalangin

 26,919 total views

 26,919 total views Humiling ng panalangin ang bagong obispo ng Diocese of Alaminos para sa tatahaking misyon na pagpapastol sa mahigit kalahating milyong kawan. Batid ni Bishop Napoleon Sipalay, Jr. na kaakibat nito ang isang malaking tungkuling gagampanan kaya’t mahalaga ang mga panalangin upang manatili ang diwa ng paglilingkod at pagmimisyon sa kawang ipinagkatiwala ng simbahan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cebu, iginiit ang pag-aari sa natagpuang 19th century pulpit panels

 25,356 total views

 25,356 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cebu na muling makita ang apat na nawawalang 19th-century pulpit panels ng imahe ni Saint Augustine of Hippo ng Patrocinio de Maria Santisima Parish Church ng Boljoon Cebu. Sa pahayag ni Archbishop Jose Palma, iginiit nito ang pag-aari sa apat na pulpit panels na isang sagradong bagay ng simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-elect ng Diocese of Alaminos, humiling ng panalangin

 22,322 total views

 22,322 total views Buong kababaang loob na tinanggap ni Diocese of Alaminos Bishop-elect Fr. Napoleon Sipalay, Jr. ang bagong misyong iniatang ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Bishop-elect Sipalay na bagamat hindi karapat-dapat at nangangamba sa malaking responsibilidad na kakaharapin ay ipinagkatiwala nito sa Panginoon ang pamamatnubay sa kanyang paglilingkod sa mga kawan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga obispo sa Bohol, pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa people’s initiative

 18,521 total views

 18,521 total views Mahigpit na binalaan ng Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol ang mamamayan na huwag magpalinlang sa salapi kapalit ang kinabukasan ng bayan. Ito ang mensahe nina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative na isinusulong ng People’s Initiative for Reform Modernization and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

More synodal church, pangako ni Cardinal Tagle sa mga Pilipino

 20,571 total views

 20,571 total views Umaasa ang opisyal ng Vatican ng higit na pakikiisa ng mananampalataya sa pagpapalago ng simbahang katolika. Sa ika – 10 anibersaryo ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE X) sinabi ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle na nawa’y tumugon ang bawat isa sa panawagan ng Santo Papa Francisco na

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Karahasan ng China sa WPS, kinundena ng Senado

 7,440 total views

 7,440 total views Nagkaisa ang mga mambabatas na kundenahin ang China sa panibagong karahasan laban sa security forces ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri lubhang mapanganib ang ginawang panggigipit ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Panagutin ang mga responsable sa pagkamatay ng 3-Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea

 7,803 total views

 7,803 total views Hinimok ng mga mambabatas ang awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa nangyaring pananagasa ng dayuhang barko sa mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea. Ayon kay Senator Jinggoy Estrada nawa’y mabigyang katarungan ang mga biktima lalo’t tatlo ang nasawi. “The authorities must conduct a comprehensive and unbiased investigation to ascertain

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigringin ang panamagagi ng biyaya ng panginoon sa kapwa, hamin obispo ng Cubao sa mananampalataya

 3,693 total views

 3,693 total views Panatilihing nag-aalab ang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan at maging daan sa higit na pagyabong at pamamahagi nito sa kapwa. Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa kaniyang Liham Pastoral bilang paggunita sa 20th Cannonical Establishment Anniversarry ng Diyosesis ng Cubao. Ayon sa Obispo, sa tulong ng regalong ng Panginoon sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

San Isidro Labrador, lay empowerment model

 4,705 total views

 4,705 total views Tiniyak ng pamunuan ng San Isidro Labrador Parish – Makiling na gagampanan ang tungkuling ipalaganap ang debosyon ni San Isidro Labrador sa pamayanan. Ayon kay Fr. Francis Eugene Fadul, Kura Paroko ng parokya na kaakibat ng pagtanggap sa first class relic ng santo ang responsibilidad na ibahagi ito sa pamayanan upang makatulong sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pundasyon ng lipunan, sisirain ng divorce

 5,368 total views

 5,368 total views Nanindigan ang Alliance for the Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) laban sa pagsasabatas ng diborsyo na labag sa konstitusyon ng bansa. Ayon kay ALFI Vice President Atty. Jesus Joel Mari Arzaga, malinaw ang isinasaad sa Section 2 ng Article XV na dapat bigyang proteksyon ng pamahalaan ang kasal sapagkat ito ang pundasyon ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top