Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Nino de Tondo, itinalagang Archdiocesan Shrine

SHARE THE TRUTH

 304 total views

Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Santo Niño de Tondo Parish bilang isang Archdiocesan Shrine, noong ika-5 ng Pebrero, 2019.

Sa pagninilay ng Arsobispo, sinabi nitong ang pagiging Arkidiyosesanong dambana ng Santo Niño ay mayroong mga tungkuling kailangang maisakatuparan upang lalo pang mapalalim ang pananampalataya hindi lamang ng mga nasa Archdiocese of Manila kun’di maging ang mga pilgrims na dumadayo.

Ayon kay Kardinal Tagle, kasama dito ang mainit na pagtanggap sa mga dumadayo upang matagpuan nila sa Dambana ng Santo Niño ang tahanan ng pananalangin, mapukaw ang kanilang puso at damdamin at masumpungan ang Diyos na kanilang hinahanap.

“Upang dito makatagpo sila ng tahanan ng pananalangin, pagdarasal, pagmimisa, na nakapupukaw ng puso at damdamin, dito matagpuan nila ang Diyos na hinahanap, dito maghahatak pa sila ng iba pang mga pilgrims dahil napaka sarap namnamin ang presensya ni Kristo.” bahagi ng pagninilay ni Kardinal Tagle.

Bukod dito, nag-iwan din ang Kardinal ng tatlong hamon at misyon upang lalo pang maipamalas ng dambana ang paghahari ng batang si Hesus.

1.SENTRO NG KATWIRAN, KATARUNGAN, TUWA, KAPAYAPAAN
Ipinaliwanag ng Kardinal na sa paghahari ng batang si Hesus ay hindi lamang nito ipinagpatuloy ang pagkahari ni David, dahil pinanatili din ang katwiran, at katarungan.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa batang si Hesus ay hindi umiral ang paghahari-hariang nakatatapak ng kapwa at yumuyurak sa dignidag ng tao sapagkat hindi ito ang ninanais ng Diyos Ama.

Dagdag pa dito, hindi digmaan at paninira ang nais mamayani ng Panginoon kaya naman tuwa, at kapayapaan ang ipinakakalat ng sanggol na anak ng Diyos.

Bunsod nito hinamon ni Kardinal Tagle ang Shrine of Santo Niño na magkakaroon ng Evangelization program tungkol sa pamamahala ng batang si Hesus.

“Ito ang gusto ng Ama. Kaya ang anak gagawin ang gusto ng Ama. Tapos na ang digmaaan, tapos na ang siraan, tapos na ang dilim. Simula na, katarungan, katwiran, tuwa, kapayapaan. Iyan po ang una na dulot ng Sto. Niño,” bahagi ng pahayag ni Kardinal Tagle.

II. SENTRO NG PAGBIBIGAYAN
Ikalawang hamon ni Kardinal Tagle sa mga mananampalataya ng Shrine of Santo Niño ay maging sentro ng pagbibigayan.

Sinabi ng Kardinal na dahil sa pagbabahagi ni Hesus ng kan’yang pagiging anak ng Diyos, ay naging ampon na anak ng Diyos ang bawat Kristiyano.

Binigyang diin nito na hindi mapagkamkam ang Santo Niño, kaya umaasa ito na madaragdagan pa ng Shrine ang kanilang mga programang nagbabahagi ng tulong tulad ng feeding program at livelihood program.

“Dapat sa lugar na ito walang maramot. Dapat sa Sto. Niño de Tondo Shrine ang lifestyle ay sharing, magbahagi, kasi iyon ang spiritualidad ng Sto. Niño. Sabagay, marami na po talagang programa ng sharing dito sa ating Shrine – ang Feeding Program, ang mga Livelihood Program – dagdagan pa, Sharing, dahil yan ang pamamahala ng Sto. Niño.” Pahayag ng Kardinal.

III. SENTRO NG PAMILYA
Sa huli, hinimok ni Kardinal Tagle ang mga mananampalataya na gawing sentro ng pamilya ang Archdiocesan Shrine of Santo Niño.

Aniya, nang mawala ang batang si Hesus ay agad itong hinanap nina Maria at Jose, dahil dito, marapat aniyang tularan ng mga magulang ang pag-aarugang ito, sa kanilang mga anak.

Hinikayat nito ang mga magulang na dalhin sa simbahan ang kanilang mga anak upang dito lumago ang kanilang pananampalataya.

Tiniyak ng Kardinal na sa ilalim ng pamamatnubay ng dambana ng Santo Niño ay wala nang batang napababayaan dahil sa pagsusugal o pagkakaroon ng bisyo ng mga magulang.

Dagdag pa niya, sa halip na dalhin sa mga mall, palaruan, at mamahaling restaurant ang mga anak, ay mas nararapat na dalhin at turuan ang mga ito maglingkod sa simbahan.

“Katulad ng Sto. Niño, sa pamilya niya, lumago siya sa karunugan at kinalugdan ng Diyos at kapwa. Iyan ang pamilya ni Hesus, iyan sana ang pamilya dito sa Archdiocesan Shrine… Isang magandang pamilya, kung saan ang bata ay mahalaga, hinahanap, inaaruga, pinalalago sa katarungan, karunungan at maging kalugud-lugod sila sa mata ng Diyos.” Pahayag ng Kardinal sa kanyang pagninilay.

Read: Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Solemn Declaration of the Archdiocesan Shrine of Santo Niño at Tondo, Manila

Noong ika-15 ng Enero, pormal na inanunsyo ni Kardinal Tagle ang pagtatalaga sa Santo Niño de Tondo bilang isang Archdiocesan Shrine, matapos nitong aprubahan ang petisyon ng mga mananampalataya at ni Fr. Estelito Villegas ang Parish Priest ng Santo Niño.

Ang Santo Niño de Tondo ay naging Parokya noong ikatlo ng Mayo, 1572 sa ilalim ng pangangalaga ng Augustinian Friars at mula noon ay naging bahagi na ito ng kasaysayan at sentro ng pananampalataya at pamimintuho sa sanggol na Diyos, sa Maynila.

Sa kasalukuyan, mayroon nang limang Archdiocesan Shrines sa ilalim ng Archdiocese of Manila;

Ito ang Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa Mandaluyong, Archdiocesan Shrine of The Blessed Sacrament sa Sta. Cruz, Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo sa Tayuman, Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Sampaloc, at ang pinaka bagong itinalaga na Archdiocesan Shrine of Santo Niño.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,750 total views

 43,750 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,825 total views

 54,825 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,158 total views

 61,158 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,772 total views

 65,772 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,333 total views

 67,333 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 60,453 total views

 60,453 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 60,236 total views

 60,236 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 60,231 total views

 60,231 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 199,674 total views

 199,674 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 194,180 total views

 194,180 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 60,404 total views

 60,404 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 60,303 total views

 60,303 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 146,875 total views

 146,875 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 60,129 total views

 60,129 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 50,370 total views

 50,370 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 46,910 total views

 46,910 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 46,924 total views

 46,924 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 46,917 total views

 46,917 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 46,936 total views

 46,936 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 46,767 total views

 46,767 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top