Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sapat at Murang Kuryente Para sa Lahat

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Kapanalig, sigurado ako na buwan buwan marami sa atin ang umaaray dahil sa mahal ng kuryente sa ating bayan. Hindi lamang sa mga syudad problema ang mataas na kuryente. Kapanalig, maski sa mga probinsya, uso na rin ito.

Napakahalaga ng kuryente sa atin, lalo pa’t nasa digital age na tayo. Halos lahat ng ating ginagawa, dependent na dito. Pundamental na sangkap ng pag-unlad ng kabahayan, ng negosyo, ng bansa, ang kuryente. Kaya nga’t napakalaking hamon na ang taas ng ating binabayaran sa kuryente kada  buwan. Kumpara sa ating mga karatig bansa sa Asya, isa na tayo sa may pinakamahal na halaga ng kuryente, kasama ang Singapore. Kapanalig, di hamak na mas mayaman naman ang Singapore sa atin. Ang per-capita domestic product o GDP ng Singapore, ayon sa isang pag-aaral, ay nasa US$66,176. Sa atin, nasa US$3,413 lamang.

Ang ating problema sa presyo ng kuryente ay kaytagal tagal na at may malalim na ugnayan sa iba’t iba pang mga isyu. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mahal ang kuryente sa Pilipinas ay ang kakulangan sa suplay ng enerhiya. Ang bansa ay umaasa pa rin sa mga tradisyunal na mapagkukunan ng enerhiya tulad ng paggamit ng mga fossil fuels. Ito ay mas mataas ang gastos, lalo pa’t pataas ng pataas ang presyo ng langis mercado ngayon. Ini-import pa natin ito. Mahigit pa sa kalahati ng ating power generation ay mula sa fossil fuels. At sa atin, kapang pumalya ang isang planta para dito, malaki na ang epekto.

Isa pang dahilan ng mataas ng presyo ng kuryente ay ang lakas at taas ng demand para dito. Dumarami ang ating populasyon. Lumalaki ang mga industriya sa bansa, at lumalawig ang ekonomiya, lalo na’t patapos na ang pandemya. Ang lahat ng ito ay mas malaki ang hinihinging suplay ng enerhiya.

Kailangan maibsan ang suliranin ng mahal na kuryente, sabay ng pagtugon sa kulang na energy supply, lalo’t lumalaki ang demand para sa kuryente ngayon. Hiling natin ay sapat at murang kuryente para sa lahat, para naman mas mabilis ang pag-unlad, hindi lamang ng mga energy suppliers ng bayan, kundi ng mga kabahayan.

Ilan sa maaring magawa ng pamahalaan ay ang pagpapalawig ng paggamit ng mga renewable energy gaya ng solar, wind, at hydro para hindi na tayo dependent sa mga fossils, na masama naman sa kapaligiran. Kung maisusulong nga sana ang solar power, hindi na masyado magiging dependent ang tao sa mga nakagawiang electricity suppliers, at pwede pa tayo ang magbenta sa kanila ng magiging sobra sa ating ating ginagamit.  Isa lamang ito sa ating maaaring magawa para magmura kahit paano ang ating power supply.

Kapanalig, napipilitan tayong magbayad ng mataas kada buwan dahil sa totoo lang, wala tayong choice. Kung anong idikta na presyo ng ating supplier, wala tayong magagawa, kundi magtipid sa gamit ng kuryente, hindi ba? Kaya lamang, mahirap gawin ito, lalo pa’t necessity naman talaga ang kuryente. Sa ganitong sitwasyon, kailangan na nating kumilos dahil nagiging balakid na sa katarungang panlipunan ang mahal ng binabayad natin. Sa halip na kumita tayo ng mas malaki ngayon dahil bumabawi tayong lahat sa epekto ng pandemya, para namang inaagaw sa atin ang konting kita dahil sa mataas na halaga ng kuryente. Hindi  ba dapat common good naman muna ang unahin ngayon, bago ang malalaking kumpanya? Kailangan tutukan ito ng pamahalaan.

Paalala ng Rerum Novarum: Nasa kamay ng ating pinuno ang kapangyarihan na bigyang serbisyo ang lahat ng uri ng tao sa Estado, at sa lahat ng ito, kailangan mas mapabuti ang interes ng mga mahihirap. Ginagawa niya ito dahil ito ay kanyang tungkulin, nang walang pag-aalinlangan – sapagkat ang layunin ng pamahalaan ay maglingkod sa kabutihan ng lahat at hindi lamang ng mayayaman.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 12,711 total views

 12,711 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 27,367 total views

 27,367 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 37,482 total views

 37,482 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 47,059 total views

 47,059 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 67,048 total views

 67,048 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 12,712 total views

 12,712 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,737 total views

 1,737 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 27,368 total views

 27,368 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 37,483 total views

 37,483 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 47,060 total views

 47,060 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 67,049 total views

 67,049 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,044 total views

 47,044 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,069 total views

 42,069 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,638 total views

 45,638 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,093 total views

 58,093 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,160 total views

 69,160 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,479 total views

 75,479 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,091 total views

 80,091 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,651 total views

 81,651 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,212 total views

 47,212 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top