3,968 total views
Nakikiisa ang Churchpeople Workers Solidarity (CWS) sa paggunita ng 74th International Human Rights Day ngayong December 10.
Ayon kay CWS Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, napapanahon ang tema ng paggunita ng International Human Rights Day ngayong taon na “Dignity, Freedom, and Justice for All” na isang panawagan upang higit na bigyang paggalang ang dignidad, kalayaan at mga karapatan ng mga Filipino.
Kabilang sa tinukoy ng Obispo ang kawalan ng katarungan lalo na sa mga manggagawa na kasalukuyang umiiral sa lipunan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Marcos at Duterte kabilang na ang tila pag-atake sa economic rights ng mga Filipinong manggagawa.
“Attacks on the economic rights of the poor continue as Filipino workers suffer from depleted income brought about by rising cost of living. Real wages continue to deteriorate in the midst of unabated skyrocketing prices of food items and other basic commodities.” dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Dismayado rin ang Obispo sa tila kawalan ng interes ng administrasyon na tugunan ang paghihirap ng mamamayan na nangangailangan ng agarang pagtugon sa pamamagitan ng umento sa sahod at tulong pinansyal.
Binigyang diin din ni Bishop Alminaza ang paniniil sa civil and political liberties ng publiko kung saan nananatili ang laganap na red-tagging laban laban sa mga kritiko ng pamahalaan.
“Aside from economic rights, civil and political liberties also remain under attack by the Marcos-Duterte administration. Red-tagging and attacks and harassment against union leaders and members remain unabated and sanctioned by the State through the Anti-Terror Law and the NTF-ELCAC.” Pagbabahagi ni Bshop Alminaza.
Paliwanag ng Obispo, higit na mahalaga sa ngayon ang paninindigan ng bawat isa upang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan lalo na ang mga walang boses na kabilang sa maliliit na sektor sa ating lipunan.
Ayon kay Bishop Alminaza, “Now more than ever, we must take on the responsibility of forcing the powerful to take notice of the plight of the “invisible,” by lending our voices and efforts to uplift the lives of the marginalized. Only through this can dignity, freedom, and justice be truly all.”