2,078 total views
Dismayado ang Ecumenical youth group na Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa kawalan ng pansin at hindi pagtalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kalagayan ng karapatan pantao sa bansa sa naganap na ikalawang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay SCMP National Spokesperson Kej Andres, hindi katanggap-tanggap ang pagsasantabi ng Pangulong Marcos sa nakababahalang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.
Pagbabahagi ng grupo, mas dapat na bigyang pansin ang mahigit sa 400-kaso ng human rights violations, 23 kaso ng abductions and enforced disappearances, 92-politically-related killings at ang nagpapatuloy na karahasan sa lalawigan ng Negros at Cagayan sa halip na modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
“President Marcos, Jr. sinfully dismissed the alarming human rights crisis in the Philippines. With more than 400 cases of human rights violations, 23 cases of abductions and enforced disappearances, 92 politically-related killings, and rampant bombings in places such as Negros and Cagayan, he did not address the worsening situation of human rights. Instead of holding state forces accountable, he chose to reward to the AFP and the PNP the urgency of their pension and their modernization,” pahayag ni Andres.
Binigyang diin ni Andres ang pagbibigay pansin at pag-aangat sa buhay ng mga kabilang sa batayang sektor sa lipunan na kadalasang dumaranas ng higit na epekto ng kahirapan at kawalang katarungan sa lipunan.
Hinamon naman ng Ecumenical Youth Group si Pangulong Marcos Jr. na muling ituloy ang naunsyaming usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo.
“We, peace loving Filipinos, challenge Marcos Jr., in his second year, to reopen peace talks if he is truly serious in pursuing just and lasting peace. For as long as our countryfolk suffer from poverty, injustices, lack of social services, and neo-colonial domination, Filipinos are always incentivized to fight back in any way they must,” Dagdag pa ni Andres.
Batay sa pagtataya ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa loob lamang ng isang buong taong ng pamamahala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay umaabot na sa 407 ang mga kaso ng human rights violations sa bansa na kinabibilangan ng pagpaslang, illegal arrests, pambobomba, at militarisasyon sa ilang mga probinsya sa bansa.