2,068 total views
Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na higit pang palalimin ang pagmamahal at paggalang sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa sangnilikha.
Sa liham-sirkular para sa ika-11 taong pakikibahagi at pagdiriwang ng Season of Creation sa Arkidiyosesis ng Maynila, hinikayat ni Cardinal Advincula ang bawat isa na maging tanglaw ng pag-asa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at katarungang panlipunan.
Iniugnay ng kardinal ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan sa Traslacion Roadmap na inisyatibo ng Arkidiyosesis upang maging gabay sa sama-samang paglalakbay sa arkidiyosesis sa susunod na limang taon mula 2023 hanggang 2028.
“I enjoin everyone to be a beacon of hope in the promotion of environmental care, efficient disaster response, and just social transformation (e.g. human rights, etc.). Let us make this strategic object of our Traslacion Roadmap a reality by planning and designing programs on formation that lead to ecological conversion.” bahagi ng liham ni Cardinal Advincula.
Hiling naman ni Cardinal Advincula sa mga mananampalataya na palalimin ang pag-unawa sa pagpapahayag ng pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos na lumikha ng sanlibutan, at tupdin ito sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay, paglilingkod, at pagpapalago sa ekolohikal na espiritwalidad.
Gayundin ang pakikisangkot sa pagsusulong ng ensiklikal ng Santo Papa Francisco na Laudato Si’ para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.
“Take an active role in the promotion and witnessing to the encyclical Laudato Si following the commitment of the CBCP: “We are committed to advance the teachings of the Laudato Si and be bearers of hope in the face of an ecological crisis, following our Lord Jesus, our redeemer. As such, we commit to “integrate the care of creation as our common home in our teaching and practice of Christian discipleship” through concrete ecological actions in caring for our Common Home.” pahayag ng Arsobispo ng Maynila.
Inihayag din ng kardinal ang pag-alis sa pamumuhunan sa mga mapaminsalang industriya bilang tugon sa Laudato Si’ at iba pang katuruang panlipunan ng simbahan.
Nangako naman ang arkidiyosesis na patuloy na susuportahan ang lahat ng inisyatibo na mangangalaga, pagpapanatili, pagpapayabong, at paggalang sa sangnilikha ng Diyos.
“Through the Archdiocesan Ministry on Ecology, we commit to respond to the goals of Laudato Si specifically to hear the cry of the poor and the cry of the earth. Reduce the impacts of climate change, promote food safety and security to address hunger, and ensure the protection of the rights to safe and healthy ecology by mobilizing various institutions to become part of the Laudato Si Action Platform to achieve Integral Ecology.” giit ni Cardinal Advincula.
Tema ng Season of Creation 2023 ang Let Justice and Peace Flow na hango sa mga kataga ni Propeta Amos, upang bigyang-pansin ang hinaing ng kalikasan na malayang makamtan ang katarungan at kapayapaan sa kabila ng mga pinsalang tinamo dahil sa labis na pang-aabuso ng mga tao sa mga likas na yaman.