2,934 total views
Magsasagawa ng second collection ang Roman Catholic Archdiocese of Manila bilang pakikiisa at pag-agapay sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.
Sa Circular Letter ng Arkidiyosesis, nasasaad na lahat ng mga Parish Priest, Rector at Chaplain ay inaatasang magsagawa ng second Collection sa gabi ng January 18 at buong araw ng January 19 kasabay ng Holy Childhood Sunday.
Ang lahat ng koleksyon ay ipinasusumite sa Arzobisado De Manila hanggang sa ika-22 ng Enero.
Samantala, hinihikayat din ang mga simbahan na isama sa Panalangin ng Bayan sa mga Misa ang kaligtasan at ang pagwawakas ng pagbuga ng abo ng bulkang Taal.
“In solidarity with our brothers and sisters who are affected by the eruption of Taal Volcano, His Eminence Cardinal Luis Antonio G. Tagle requests that a second collection be taken at all Masses from the evening of Saturday, January 18, and whole day of Sunday, January 19.
We also encourage the intention that the eruption may end and that all may be safe be included in the Prayer of the Faithful of all our Masses.” Bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle
Una nang nanawagan ng tulong ang Archdiocese of Lipa para sa pagkain, tubig, hygeine kits at facemasks na pangunahing pangangailangan ng mamamyang lubhang apektado ng bulkang Taal.
Read: Arsobispo ng Lipa Batangas, nananawagan ng dasal at tulong
Nagpadala naman ng paunang tulong ang Caritas Manila at Quiapo Church, gayun din ang iba pang seminaryo at organisasyon ng simbahan.