442 total views
Umaasa ang isang Mindanao Bishop na paglaanan ng pamahalaan ng malaking pondo sa 2017 national budget ang sektor ng edukasyon at agrikultura.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, mahalagang buhusan ng pondo ang sektor ng edukasyon para sa magandang kinabukasan at mas maraming oportunidad na libreng pag-aaral para sa mga mahihirap na kabataan sa buong bansa.
Inihayag ng Obispo na mahalaga din ang sektor ng kalusugan upang maalalayan ang mga mahihirap na walang kakayanin na makapagpagamot at mabigyan ng oportunidad na makapagpagamot ng libre.
At higit sa lahat, iginiit ng Obispo na kailangang paunlarin at alalayan ng gobyerno ang sektor ng agrikultura upang makaahon sa kahirapan ang mga magsasaka at mangingisda lalo na sa pagbibigay sa kanila ng puhunan.
“Bigger budgets on 3 concerns… education, health & agriculture.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Nabatid mula sa mahigit 3-trilyong pisong 2016 national budget, ang social at economic services ang may pinakamalaking budget na may kabuuang 1.1-trilyong piso kabilang na ang 435-bilyong pisong pondo sa sektor ng edukasyon.