1,208 total views
Pinatutukan ng CBCP – Episcopal Commission on Mutual Relations sa pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa sektor ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.
Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng komisyon, kailangan ng reporma sa mga likas na yaman lalo na sa agricultural at aquatic resources ng bansa o ang tinatawag na “assets reform” upang mapaunlad ang negosyo ng mga mahihirap na magsasaka at mangingisda.
Iginiit ni Archbishop Ledesma na malaki ang magagawa ng “assets reform” upang mabawasan ang 330-milyong tao sa Asia-Pacific region na nabubuhay lamang sa P100 daily living wage batay sa pagsusuri ng Key Indicators for Asia and the Pacific na inilabas ng Asian Development Bank o ADB.
Nakalaoob sa naturang pag – aaral ang kalagayang pang – ekonomiya, pinansyal, panlipunan, at kalikasan ng 48 regional members ng ADB kabilang ang Pilipinas sa buong Asya Pasipiko.
“I think ang dapat gawin ng gobyerno ngayon ay yung assets reform katulad ng complete implementation ng reporma sa lupa and also yung mga fisheries folks for the indigenous people. Sapagkat marami naman ang mga assets natin should really need to spread out for the productivity ng mga buhay nung mga maralita rin,” pahayag ni Arcbishop Ledesma sa Radyo Veritas.
Nauna na ring ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Food and Agriculture of the United Nations o FAO ang “zero poverty line” sa taong 2030 upang maibsan ang lumalalang kagutuman at kahirapan sa buong mundo.