169 total views
Mahalaga ang maglaan ng oras para sa sarili sa gitna ng mga suliranin na ating nararanasan dahil sa pandemya. Ito ang paalala ng ChildFam Possibilities, isang psychosocial services institution dahil sa epekto din ng pandemya hindi lamang sa mga mga nagkakasakit kundi maging ang mga naapektuhan sa kakaibang set up na dala nito lalo na sa mga manggagawa gaya na lamang ng tinatawag na “Work from Home” arrangement.
Ayon kay Ms. Ana Ulep ng Childfam, normal lamang na manibago at mahirapan ang ilang mga indibidwal sa set up ng work from home dahil sa adjustment na kinakailangan upang magawa ang trabaho sa loob ng tahanan.
Ipinaliwanag ni Ulep na mahalaga na bigyan pansin ang seperasyon ng oras sa trabaho at ng pagbibigay ng oras sa sarili at iba pang gawain upang maiwasan ang tinatawag na “burn out”.
“pagisipan natin paano ba maglaan ng oras sa sarili sa ingles ito yun tinatawag na “self-care”, marami sa atin nakarinig na ng salitang “self-care” pero marami din ang nakaligtaan ito, sa dami din ng ginagawa dahil sa pandemya mahalaga ang ganitong oras kasi ito yun paraan natin para makapag pahinga at pag-iwas ng burn out na tinatawag so lahat tayo may pinagdadaanan kaya kung mas mapapangalagaan ang sarili mas magiging matatag tayo sa pagharap ng mga pagsubok at mas kaya din natin magbigay sa mga nakapaligid sa atin.” Pahayag ni Ulep sa panayam ng programang Caritas in Action.
Nilinaw ni Ulep na kahit work from home ay maari pa ring gawin sng mga bagay na makapagpasaya sa sarili upang maiwasan sng burnout.
“May mga paraan para makapag laan ng oras, magkaroon ng oras sa pahinga at libangan so kung plantita ka, mahilig ka magbasa, magpinta, sumayaw huwag ninyo ito ipagkait sa iyong sarili nyo kahit 15 minutes lang” paala ni Ms. Ulep at ng Childdfam Possibilities.
Batay sa datos 72% ng mga kumpanya sa Pilipinas ang isinailalim sa “Work from Home” Arrangement dahil sa pagpapatupad ng mga community quarantinbe sa bansa noong taong 2020 at patuloy na pagtaas ng mga naapektuhan ng Covid19.