322 total views
Normal ang makaranas ng pagdududa sa sarili, pero hindi normal na manatili tayo rito. Kung may misyon kang pinapasan at pakiramdam mo’y hindi ka sapat, tandaan mong hindi tinatawag ng Diyos ang perpekto kundi ang handang magtiwala. Siya mismo ang magpapadalisay at maghahanda sa’yo. Kaya sa halip na magpatalo sa self-doubt, ipaalala mo sa sarili mong may Diyos na mas naniniwala sa’yo kaysa sa paniniwala mo sa sarili mo. Magtiwala ka sa Kanya, dahil nagtitiwala Siya sa’yo.