20,537 total views
Tiniyak ng pamunuan ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) sa Diyosesis ng Borongan sa Samar na nasa ligtas na kalagayan ang mga kabataang seminarista matapos ang naganap na sunog sa ilang bahagi ng seminaryo noong hapon ng July 28.
Ayon kay Seminario de Jesus Nazareno (SJN) Rector-Principal Fr. Juderick Paul Calumpiano, ang bahagi lamang ng chapel at social hall ang naapektuhan ng sunog at hindi nagdulot ng epekto sa mga dormitoryo at opisina ng seminaryo.
“Karuy naming ipasabut ang atung mga kabataan and tanan safe and all accounted for, nasunog nga parte ng atung semenaryo and adihang parte ng chapel at social hall ngad partidahan lobby pero an ngadihan kuan may mga dormitories at opisina waray pagka[ano].” [Para sa mga magulang at guardians ng ating mga kabataan (seminarista) ang lahat ng mga kabataan ay ligtas at all accounted for. Ang nasunog na parte ng ating seminary ay yung parte ng chapel and social hall na parte ng lobby pero ang mga may dormitories and mga opisina walang epekto.] Bahagi ng pahayag ni Fr. Calumpiano.
Ayon pa sa pari, napagdesisyunan ng pamunuan ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na pansamantalang ipagpaliban ang pagsisimula ng klase at pauwiin muna ang mga seminarista habang muling isinasaayos ang naapektuhan ng sunog sa seminaryo.
“Iyong mga ibang waray sundo na ahira magkakadtuon ng amung. College Seminary tuad tulaanay. madi-delay itong atong pag open ng klase.” [so itong ibang mga wala namang sundo ay makikituloy muna sa Bishops Residence o sa college seminary. So pansamantalang madidelay ang pag-open (pagsisimula) ng ating klase.] Dagdag pa ni Fr. Calumpiano.
Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang sunog sa bahagi ng chapel at social hall ng minor seminary at wala namang naitalang nasugatan dulot ng insidente.
Sa kasalukuyan may aabot sa 108 ang bilang ng mga Junior High School seminarians ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN) na matatagpuan sa Barangay Campesao sa Borongan, Samar.