Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senate inquiry sa Marawi siege, hiniling

SHARE THE TRUTH

 1,359 total views

Hiniling ng isang grupong Muslim sa Marawi City sa Senado ang pagkakaroon ng Senate inquiry sa naganap na digmaan sa lungsod na umabot ng limang buwan.

Ayon kay Agakhan Shariff, pinuno ng Dansalantao sa Kalilintan Movement ng Marawi, dapat matukoy kung sino ang may pagkukulang kung bakit nalusob at nakubkob ang lungsod ng Maute-ISIS group.

Iginiit ni Shariff na hindi dapat isisi sa sibilyan kung bakit nagkaroon ng kuta ang mga terorista sa Marawi at hindi naiulat sa kinauukulan.

“Sana po magkaroon ng Senate hearing. Kasi para malaman natin kung sino ang nagkamali. ‘Yung gobyerno ba, yung sibilyan ba, yung local government ba? Kasi para sa amin nasaan ang intelligence fund na milyon-milyon na ginagamit ng ating pamahalaan. Bakit ang pumasok sa Marawi City daan-daan mga rebelde, bakit nasaan sila?,” pahayag ni Shariff sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Bagama’t nagagalak sa deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na paglaya ng Marawi City laban sa mga terorista, patuloy pa ring nangangamba ang mga mamamayan dahil hindi pa tuluyang natatapos ang digmaan.

Inihayag ni Shariff na may mga natitira pang Maute-ISIS members na nakikipaglaban sa puwersa ng pamahalaan at hawak pa rin ng mga ito ang may 18 bihag.
Umaasa rin si Shariff na sa lalung madaling panahon ay makabalik na sila sa Marawi City lalu na sa mga barangay na hindi naman apektado ng digmaan.

Ayon kay Shariff, apat hanggang sa limang barangay lamang ang apektado ng gulo.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, binubuo ng 96 na barangay ang Marawi na may higit sa 300,000 ang populasyon.

Una na ring nagpahayag ng kaniyang kagalakan si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa napipintong pagtatapos ng digmaan, kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Read: Pagkamatay ng ISIS-Maute leader, hudyat ng kapayapaan sa Marawi.

Bago inihayag ng Pangulong Duterte na liberated na ang Marawi ay nailunsad na ang Duyog Marawi na ang layunin ay maghatid ng tulong sa mamamayan ng lungsod gayundin ang rehabilitasyon ng mga nasirang gusali at mga bahay.

Naglaan naman ng P40 B piso ang pamahalaan para sa pagsasaayos ng lungsod sa oras na tuluyang matapos ang digmaan at ang clearing operations.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,835 total views

 18,835 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 33,491 total views

 33,491 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 43,606 total views

 43,606 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 53,183 total views

 53,183 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 73,172 total views

 73,172 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Marian Pulgo

Caritas Philippines, tuloy ang relief operations sa sinalanta ng bagyo at baha

 1,354 total views

 1,354 total views Patuloy ang pagiging abala ng simbahan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. Ayon kay Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, patuloy pa rin ang relief operation ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga diyosesis ng Virac, Legazpi, Caceres, at Libmanan na

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Decree of the Apostolic Penitentiary on the granting of special Indulgences to the faithful in the current pandemic, 20.03.2020

 1,329 total views

 1,329 total views Decree of the Apostolic Penitentiary on the granting of special Indulgences to the faithful in the current pandemic, 20.03.2020   The gift of special Indulgences is granted to the faithful suffering from COVID-19 disease, commonly known as Coronavirus, as well as to health care workers, family members and all those who in any

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Enchanced Community Quarantine, bigo kapag nagugutom ang mamamayan.

 1,349 total views

 1,349 total views March 19, 2020, 12:28PM Bigyang katiyakan na hindi magugutom ang sambayanang Filipino. Ito ang panawagan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa upang epektibong maipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Naniniwala ang Obispo na pangunahing dahilan ng mga taong hindi sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan ay dulot ng pag-aalala na walang makakain ang

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Kapatawaran sa pang-aabuso ng kalikasan, panalangin ng Obispo ng Kidapawan

 1,377 total views

 1,377 total views Ito ang panawagang dasal ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay na rin sa magkasunod na malakas na lindol na tumama sa North Cotabato. “Humihingi po kami ng kapatawaran sa lahat ng aming pagkakamali. Sa maraming pagsuway namin sa Iyong utos at aral. Patawad po aming hindi paggalang sa kasagraduhan ng ng buhay.

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

17 bagong Obispo, ipinakilala sa 119th CBCP plenary assembly

 1,314 total views

 1,314 total views Labing pitong bagong Obispo ang dumalo sa katatapos lamang na 119th plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang 17 bagong Obispo ay itinalaga ni Pope Francis sa nakalipas na dalawang taon. Sa katatapos lamang na

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Maging gabay at kaakibat ng mga naisasantabi sa lipunan

 1,330 total views

 1,330 total views Inanyayahan ni dating CBCP-Presient Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga pari, relihiyoso at consecrated persons na maging gabay at samahan ng mga naisasantabi sa lipunan. Ayon kay Archbishop Villegas, kailangan maging gabay at kaakibat ang bawat isa sa mga sumisigaw ng katarungan, mga biktima ng pagpaslang. Hinamon din ng Arsobispo ang mga

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Makiisa sa paglalakbay pananampalataya,pag-asa at pag-ibig -Cardinal Tagle.

 1,310 total views

 1,310 total views Sa nalalapit na pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay hinihikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis ang bawat mananampalataya na makiisa sa paglalakbay pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng Easter at panawagan sa lahat na makiisa sa

Read More »
Politics
Marian Pulgo

Tulungang magbagong buhay ang mga nagkasala sa halip na patayin.

 1,444 total views

 1,444 total views Ang lahat ay may karapatang mabuhay, magbalik loob at maging kapakipakinabang sa lipunan. Ito ang panuntunan ng Facenda da Esperanza kaugnay na rin sa kanilang pagkalinga sa mga taong nalulong sa masamang bisyo. Ayon kay Cathlyn Meneses ng Facenda da Esperanza, taong 2005 nang itatag ang Facenda sa Naga at Masbate na tinatayang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Prelatura ng Isabela de Basilan, nangangailangan ng Missionary help

 1,645 total views

 1,645 total views Nananawagan ng tulong ang dating Obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan para sa pangangailangan ng mga pari at madre. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, dating Obispo ng Basilan, hirap ang mga pari at madre sa lugar lalo’t kaunti lamang ang mga katoliko na maaring makatulong sa mga pangangailangan ng Simbahan sa

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Mga Ina, mapagmahal at nagbibigay buhay.

 1,311 total views

 1,311 total views Ang pagmamahal ng isang ina sa anak ang pinakamalapit na sa pag-ibig ng Diyos. Ito ang mensahe ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagdiriwang ng Mothers day lalo na sa mga Ina na Overseas Filipino Worker. “Palagi ko pong sinasabi na

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Edukasyon sa masamang epekto ng droga, isasagawa ng CBCP.

 1,369 total views

 1,369 total views Magsasagawa ng malawakang information campaign sa masamang epekto ng paggamit ng illegal na droga ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth. Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-ECY, patuloy ang pagpupulong na isinasagawa ng CBCP upang makatugon ang bawat komisyon ng simbahan sa malaking problema sa droga ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top