427 total views
Nagdulot ng magkaibang reaksyon sa grupo ng mga employer at manggagawa ang inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB) na 33Php wage hike sa National Capital Region at 55Php hanggang 110Php naman para sa Western Visayas.
Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) bagamat susundin nila ang umento sa sahod ay nangangamba sila sa sektor ng Micro Small and Medium Enterprises (MSME).
Ipinaliwanag ni Sergio Luis Ortiz Jr – Pangulo ng ECOP na marami parin sa mga MSME sa bansa ang nanatiling sarado o hirap makabawi mula sa pagkalugi.
“Actually ang gusto sana naming mangyari, considering the situation i-except lahat yung micro (MSME) pero hindi mangyayari yun, okay nalang na taasan mo yun pero yung micro sana we’re trying to open, marami pang nakasara, because of that mayroong mga hindi na magbukas na kompanya or mayroong hindi na mag-hire ng iba so anyway doon sa maliliit yung mga 10 to 50 na empleyedo so retain” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ortiz.
Tinukoy ng ECOP, na aabot sa 65% ng mga manggagawa ang kabilang o nagtatrabaho sa mga MSME sa buong bansa.
Ayon naman sa pahayag ng ‘SENTRO ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa’, hindi sasapat ang karagdagang halaga ng suweldo dahil narin sa mataas na inflation rate na nanararanasan sa bansa.
“The P33 wage increase is a pittance and woefully inadequate. It is not even enough to allow workers to recover the lost value of their wages, according to the NWPC, as early as February 2022, real wage eroded by 43 pesos. Wage erosion worsened since then. After all,” ayon sa pahayag ng SENTRO.
Nakasaad sa katuruan ng simbahang katolika na mahalagang iayon ang sweldo ng manggagawa ayon sa pagggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang makapamuhay ang bawat isa ng may dignidad.