190 total views
Ito ang madamdaming mensahe ng bagong inordinahang Obispo sa Cathedral of St. Nicholas, Cabanatuan City.
Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Elmer Mangalinao na bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.
“The truth is, I only know how to be a priest, that is the only thing that I can promise you, to be a priest mindful of my sinfulness yet bold in embracing the grace of God with all humility therefore this is hard to say but like to say Bishop Soc wherever you go I shall go with joy, wherever you live I shall live with joy. And Bishop Soc and my brother priests of Lingayen-Dagupan, wherever you die I shall die with joy. Once again I stand before you with sense of boldness with humility and acknowledgement who I am before God with one desire to serve God with passion and not a position and to serve his people,”pahayag ni Bishop Mangalinao.
Lubos naman ang pasasalamat ni Bishop Mangalinao sa Diyos, sa Santo Papa, sa mga Obispo, sa kanyang pamilya at sa sambayanang mananampalataya ng Diocese ng Cabanatuan sa kanyang 30-taong pagkapari.
Inihayag ng Obispo na tanging Diyos ang sentro ng kanyang pagmimisyon bilang pari at malaking hamon sa kanya ang bagong misyon na mamatay sa sarili para sa paglilingkod sa simbahan bilang isang Obispo.
Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan archbishop at CBCP President Socrates Villegas ang ordinasyon kay Bishop Mangalinao matapos siyang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco nitong Mayo a-31 lamang.
Ang 56-anyos na Obispo ang makakatuwang ni archbishop Villegas sa kanyang mga gawain at pamamahala sa archdiocese.
Si Bishop Mangalinao ay dating Vicar general ng Diocese of Cabanatuan at pangulo ng College of the Immaculate Conception sa lungsod, School cluster head ng Sacred heart School of Talavera at Our Lady of Fatima sa general Natividad.
Simula 2012 pa walang Auxiliary Bishop ang archdiocese of Lingayen-Dagupan sa sumasakop sa 82.5-porsiyento ng mga Katoliko.
Nasa higit 90 na ang aktibong Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.(Riza Mendoza)