172 total views
Hinamon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na gamitin ang kanilang pagmimisyon hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa kaniyang komunidad.
Ayon sa Obispo, higit sa lahat dapat ibahagi ang ebanghelyo at iparamdam sa kapwa ang pagmamalasakit bilang mga kapwa kalakbay (pilgrim) maging iba man ang kanilang pananampalataya.
“A pilgrim is a person of faith who can walk with every fellow pilgrim, no matter what race religion, or social status they belong to,” ayon kay Bishop David.
Paalala ng Obispo hindi dapat malimita ang pagmimisyon sa loob lamang ng simbahan bagkus ay kinakailangan itong maramdaman ng kapwa tungo sa ikakaganda ng lipunan.
“We served the church so we can serve the world and to make a difference,” ayon kay Bishop David.
Pinuna rin ng Obispo ang kakulangan ng simbahan sa mga slum area gayung malaking bahagi ng mga tao ang nanahan sa lugar.
Paalala ng Obispo, ang ibig sabihin ng parokya sa griyego ay parokia na nangahulugan ng pansamantalang pahingahan ng mga manlalakbabay (pilgrim) kaya’t hindi kailangan na naging magarbo.
Naikuwento rin ng Obispo ang kanyang pagmimisa sa isang basketball court na bagama’t hindi isang simbahan ay puno ng mga mananampalataya na dumalo sa misa.
“It was a beautiful celebration,” ayon kay Bishop David.
Ang Diocese ng Kalookan na pinamumunuan ni Bishop David ay binubuo ng dalawang milyong katoliko na may 27 parokya at 32 mga pari. Ang PCNE ay ginaganap sa UST Quadricentennial Pavillion simula July 28-30.