203 total views
May 27, 2020, 4:31PM
Itinuring ng opisyal ng International Catholic Migration Commission na pinakamalalang uri ng virus ang mga mapang-abusong indibidwal na sinasamantala ang kahinaan ng kapwa.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng ICMC – Asia-Oceania Working Group mas lubhang mapanganib at nakamamatay na virus ang nambibiktima ng mga kabataan lalo na ang mga nasa tahanan dahil sa mas pinaigting na panuntunan ng communicty quarantine.
“There is a more dangerous and extremely deadly virus lurking around us aside from Covid19. These are the human traffickers and sexual offenders, the worst and venomous virus on earth, taking every opportunity to raven our youth and even young children who are bored at home and have nothing to do but navigate the internet,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Kadalasang nabibiktima ng mga pananamantala ang mga kabataang nasa tahanan at aktibo sa internet.
Sinabi ni Bishop Santos na mas nangingibabaw ang kasakiman at pagkahilig sa aliw ng laman ang mga nanamantala sa kabataan at kababaihan sa kabila ng krisis na nararanasan ng mamamayan dulot ng pandemic corona virus disease.
Labis na nakababahala ang ulat ng UNICEF na inaasahang tataas sa halos 1.5 milyong kabataan ang magiging lantad sa banta ng pagiging biktima ng mga sexual predators lalo sa online.
Matatandaang sa ulat ng UNICEF noong 2017 nasa 80 porsyento ng mga kabataang Filipino ang lantad sa online sexual abuse at bullying kung saan isa ang Pilipinas sa top global source ng child pornography.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ang mga sexual predators ang tunay na virus sa lipunan na nanamantala sa mga mahihinang sektor gaya ng kababaihan at kabataan.
“They are the viruses of our society who use the physical vulnerability and poverty to lure and victimize our people,” dagdag ni Bishop Santos. Sa isang panayam ni psychologist Dr. Camille Garcia sa Radio Veritas
Sinabi nitong mahalagang bantayan ng mga magulang ang mga kinikilos ng bata sa loob ng tahanan at huwag pabayaan lalo na sa paggamit ng internet.
Dahil dito hinimok ni Bishop Santos ang mamamayan na maging mapagbantay lalo sa kabataan na lantad sa gadgets na batay sa Global Digital Report 2019 ng We Are Socials lumabas na 71 porsyento sa mga Filipino ang naglalaan ng apat na oras sa paggamit ng social media sa buong maghapon.
“We should do everything to protect our children, our youth from these evil doers. Everyone should be vigilant to prevent our children from being unwilling victims. At home, always be observant of your children, especially with the use of the Internet. Be aware of what they are doing. Have time limits with the use of their gadgets. Also, with this stay at home order, stay physically present with the members of the family. Talk to them consistently, have conversations about their friends or what they are undergoing. At home, do something together to develop or discover each other’s talents such as baking, painting or making designs. Introduce to your children your childhood games such as dama, chess or sungka.”panawagan ni Bishop Santos
Iginiit ni Bishop Santos na dapat maging matatag ang pamilya upang protektahan ang kabataan mula sa mapanamantalang indibidwal na sumisira sa kinabukasan ng kabataan.
Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang simbahang katolika sa pagtatanggol sa kabataan at itaguyod ang karapatan ng mga mahihinang sektor tulad ng kababaihan habang paiigtingin ang pagtugis sa mga mapanamtala at pananagutin sa batas.
“We should condemn the viruses of human trafficking and online sexual exploitation, do what is necessary to eradicate this worst endemic traffickers and sexual offenders. Be brave enough to report, and to bear witness to these evil deeds. It is only then we can make sure that our youth, our children, are not only socially distant from those human viruses of trafficking and exploitation but we must contain these perpetrators. We must exhaust all legal means to investigate, prosecute and punish them.”