1,492 total views
Itinalaga ng Vatican ang ika-20 minor basilica sa Pilipinas, ang Shrine of St. Anne sa Taguig City.
Ito ang inanunsyo ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa inilabas na kalatas ng Holy See na pagkilala sa Archdiocesan Shrine of St. Anne bilang Minor Basilica.
Ang pagkilala ay inihayag ng obispo kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng parokya, July 26.
Itinatag ang simbahan na nakatalaga kay Santa Ana noong 1587 sa pangunguna ng mga misyonerong Agustino at tinaguriang pintakasi ng lunsod ng Taguig.
Kagalakan ng mananampalataya ng Diocese of Pasig ang pagtalaga sa kauna-unahang minor basilica ng diyosesis lalo’t patuloy na ipinagpagsalamat ng bansa ang bunga ng kristiyanismo na lumaganap mahigit 500 taon ang nakalilipas buhat nang lumaganap ito sa Cebu noong 1521.
Umaasa si Bishop Vergara na magdulot ito ng pagsidhi sa debosyon ng mananampalataya sa lugar at higit na paglago ng pananampalataya ng mga Pilipino.