404 total views
Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagsasabatas ng SIM Registration Act or Republic Act (RA) No. 11934 ay makakatulong na mapangalagaan ang mga consumer laban sa cyber criminals at online scammers.
“The SIM Registration Act is a great first step toward the protection of the privacy of Filipinos that is currently vulnerable to intrusion from unscrupulous individuals who are using personal data to either misrepresent, scam or defraud consumers,” ayon kay Romualdez.
Ganap ng batas ang Sim Registration Act makaraan lagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinagtibay na panukala ng Mababang Kapulungan at ng Senado.
Ang RA 11934 ang kauna-unahang panukalang isinabatas ng Pangulong Marcos Jr. sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ang panukala ay unang isinulong noong 18th congress na na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng panukala, kinakailangan nang mairehistro ang mga Sim cards ng Public Telecommunication Entity (PTE) bago gamitin.
Gayundin sa mga existing sim cards na dapat na mairehistro sa loob ng 180 araw makaraang maipatupad ang batas.