241 total views
Ito ang paninindigan ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission.
Naniniwala si Bishop Bastes na hindi dapat manahimik ang simbahan sa mga paglapastangan ginagawa ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bishop Bastes, ito ay mga seryosong bagay na hindi dapat balewalain at hindi ituring na isang pagbibiro.
“Yes! We cannot allow blasphemous things to be uttered. It’s a serious thing we simply cannot be silent. Whether we like it or not, those things are not a joke. For me, those are not a joke,” ayon kay Bishop Bastes sa panayam ng Radio Veritas.
Binigyan diin ng Obispo na anumang mamutawi sa bibig ng isang tao ang siyang nilalaman ng kaniyang kalooban.
Sinabi ni Bishop Bastes na kung masama ang salita ay nangangahulugan lamang ito na masama rin ang puso ng nagsasalita.
“There is an ancient proverb saying that from the abundance of the heart the mouth speaks, if the mouth speaks evil inside his heart is evil. A man cannot speak words that are bad, unless his heart is also bad!” pahayag ni Bishop Santos
Patuloy naman ang panawagan ng Obispo sa mga mananampalataya na ipanalangin ang Pangulo para sa pagbabagong loob at para sa kabutihan ng bansa.
Bukod kay Bishop Bastes, kabilang din sa mga kumondena sa ilang mga pahayag ng Pangulo sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas; Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo at Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr.