257 total views
Tungkulin ng Simbahang Katolika na tutukan ang iba’t-ibang usaping panlipunan na nakakaapekto sa sambayanan.
Ito ang suportang ipinaabot ng Center for People Empowerment in Governance o CENPEG sa Simbahang Katolika sa paninindigan at paglaban nito sa extra-judicial killings, katiwalian at imoralidad ng mga opisyal ng bayan.
Iginiit ni CENPEG vice-chairman Professor Roland Simbulan na bilang ‘Guardian of Morality’ sa lipunan
ay naangkop lamang ang paninindigan ng Simbahan sa lahat ng mga usaping lubos na nakaaapekto sa sambayanang Filipino.
“yung Church has long identified itself as the Church of the Poor so they cannot keep quiet about what is happening to the parishioners as if nothing is happening, so I think the Church should continue the monitoring as well as keeping vigilant about what is happening lalo na kung apektado yung mga karaniwang tao sa mga parishes nila, then they can also and should exercise their right to articulate on this issues whether it’s about corruption, killings
and even immorality of officials kasi syempre ang Simbahan tinitingnan din yan na parang ‘Guardian of Morality’ …” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas.
Kaugnay nito batay sa tala ng National Statistics Office noong 2010, 80.6 na porsiyento ng kabuuang populasyon
ng Pilipinas ay mga Katoliko.
Dahil dito, marapat lamang na manindigan ang Simbahang Katolika upang magabayan maging ang pamahalaan
sa pamumuno ng tapat, maka-tao at maka-Diyos sa sinumpaang tungkuling.
Unang binigyang diin ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na magiging matagumpay lamang ang paglilingkod ng Simbahan at pamahalaan kung mayroog magandang ugnayan ang dalawang pangunahing institusyon na may iisang layuning maisaayos ang kapakanan ng taumbayan.
Ang Simbahan bilang tagapag-gabay sa pang-esperitwal at moralidad ng mga mamamayan habang ang pamahalaan naman ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan.