146 total views
Manila,Philippines– Ito ang nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity matapos tanggihan ang imbitasyon ni PNP Chief Ronaldo Bato dela Rosa na sumama ang pari sa Oplan Tokhang 2 o Oplan double barrel.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang tokhang program ng pamahaalan ay konektado sa extra-judicial killings.
Iginiit ng Obispo na hindi gugustuhin ng Simbahan na makasama sa mga programa na hindi gumagalang sa buhay o kumukonsinti sa mga pagpatay.
“Reasons why I am not keen on cooperating with the invitation of Bato de la Rosa in the Tokhang revival:1. In general the Church wants to work with anyone for any good program for the people. We are careful though that the church and her principles be not compromised. 2) As of now the government’s Tokhang program is connected with extra judicial killings. We in the church do not want to be involved in any killings or do not condone any killing”.pahayag ni Bishop Pabillo
Bukod dito, nilinaw ni Bishop Pabillo na hindi mapagkatiwalaan ang pamahalaan dahil sa paiba-ibang sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief sa kampanya laban sa iligal na droga.
“ Wala namang maliwanag na plano kung ano ang gagawin sa bagong Tokhang program. Lahat lang ay salita. As of now we cannot trust the government in any agreement as it is sending mixed signals. iba ang sinasabi ni duterte at iba ang sinasabi ni bato.”paliwanag ni Bishop Pabillo
Tinukoy ng Obispo na hindi maaasahan at mapagkakatiwalaan ang gobyerno sa anumang kasunduan dahil sa paiba-ibang pahayag ng Pangulong Duterte.
“Madaling magbago ang salita. Proof: ang mga pangako niya sa NDF negotiations na papalayain ang mga political prisoners. Proof: ang kasunduan sa international agreements na hindi magkakaroon ng death penalty”.paglilinaw ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas
Sa pinakahuling datos ng PNP, umabot na sa 7,080 ang napatay sa war on drugs.(Riza Mendoza)