165 total views
Hindi kailanman nanahimik ang Simbahan sa mga usaping panlipunan na nakakaapekto maging sa karapatang pantao ng bawat mamamayan gaya ng nagaganap na extrajudicial killings o death under investigation sa bansa.
Ayon kay Cotabato archbishop Orlando Cardinal Quevedo, sa katunayan naglabas na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng pastoral statement noon pang Hulyo ng 2016 may kinalaman sa EJK at binigyan na rin ng karapatan ang bawat diocese na maglabas ng kanilang saloobin sa usapin.
Sinabi ng Kardinal na ang pastoral na ito ay naghihikayat sa mga mananampalataya na gumawa ng kaukulang hakbang na hindi naman nangangahulugan ng pag-aaklas sa halip ipabatid sa pamahalaan na hindi solusyon ang EJK para malutas ang problema sa iligal na droga sa bansa.
“The silence of the Church has perceived by media and by people but CBCP as a body issued a pastoral statement with regard to the issue of drugs and EJK, as a conference last July, and 2nd the bishops conference made it clear to all the bishops that they can issue their own pastoral statement in their diocese and 3rd the statement of the CBCP went on to lay people and now the bishops encourage lay people to act in collaboration with the bishops about drugs and EJK. The silence is media perceived I think,Third one we shoudn think of the church as not bishop.” Pahayag ni cardinal Quevedo sa press conference ng WACOM4.
Sa unang anim na buwan ng panunungkulan ng administrasyong Duterte mula July hanggang December ng 2016, nasa higit 6,100 na ang namatay sa operasyon ng pulisya kontra iligal na droga