1,711 total views
Umaasa si Malaybalay Bishop Jose Cabantan na makakamit na sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.
Inaasahan din ni Bishop Cabantan na magkaroon ng socio-economic development at maibsan ang kahirapan sa buong rehiyon maging sa buong bansa.
Hinimok ng Obispo ang Duterte administration na resolbahin ang napakaraming contractual agricultural workers gayundin ang pagpapatuloy ng farm to market road at infrastructure projects sa Mindanao tulad ng N-LEX, S-CTEX at TIPLLEX.
Pinaalalahanan din ng Obispo ang administrasyong Duterte na tutukan ang kalagayan ng mga indigenous people at i-empower ang mga mamamayan sa kanayunan na maging bahagi ng development planning at monitoring.
“Just and lasting peace, socio-economic development to alleviate poverty, pay attention to the labor sector including many of the contractual agricultural workers, continue infrastructure development such as farm to market roads( we have no NLEX, SCTEX, TIPLEX etc) here which can facilitate travel in communication, support for IP schools, IP communities together with the Bangsamoro more support for rural mission schools who are struggling to survive yet doing service to the community, continue empowerment of the people beginning in the barangay level to participate in the development planning and monitoring, or in advocating good governance,”panawagan ni Bishop Cabantan.
Naunang nanawagan si Basilan Bishop Martin Jumoad sa Duterte administration na gawing prayoridad ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
See: http://www.veritas846.ph/kapayapaan-pagsugpo-ng-kidnapping-sa-mindanao-inaasahan-ng-obispo-kay-duterte/