202 total views
Malaking delegasyon ng mga layko ang inaasahang dadalo sa isasagawang Walk for Life sa February 24 sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Sangguniang Layko ng Pilipinas president Marita Wasan, magpapadala ng kinatawan ang mga diyosesis na nakapaloob sa ecclesiastical province ng Manila.
“Manindigan tayo para sa buhay sa Walk for Life at ipakita natin yung ating ating puwersa, ang ating pagkakaisa dahil nagising na tayo,” ayon kay Wasan.
Kabilang sa mga usapin na tinututulan ng grupo ang same sex marriage, abortion, divorce, death penalty at ang Charter Change.
Ang pagtitipon ay magsisimula ng alas-4 ng umaga at susundan ng isang misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Magsasagawa rin ng kaparehong pagkilos ang Archdiocese ng Cebu, Archdiocese of Cagayan de Oro, Diocese ng Tarlac at Diocese ng San Pablo.
Noong nakaraang taon may higit sa 20,000 katao ang nakiisa sa Walk for Life kung saan pangunahing usapin na tinutulan ay ang war against drugs ng pamahalaan na nagresulta sa mga extra judicial killings.
Sa tala ng mga human rights advocates, higit sa 13,000 ang napatay na iniuugnay sa illegal na droga at may 4,000 katao rin ang napatay sa mga isinagawang police drug operations.
Una na ring nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagpaslang ang dapat na tugon sa illegal drugs kundi ang pagpapanibago sa mga nalulong sa masamang bisyo.