Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, magsisilbing gabay sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

 12,075 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communication ang paggabay ng simbahan sa mga mananampalataya na gamitin sa tamang pamamaraan ang Artificial Intelligence para sa ikauunlad ng ng ekonomiya.

Nilinaw ni Fr.Ilde Dimaano, executive secretary ng CBCP-ECSC na bagamat hindi nakikialam ang simbahan sa mga programa at polisiya ng pamahalaan sa ekonomiya ay nakahanda itong magsilbing gabay para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan.

“Ang simbahan ay hindi nakiki-alam sa kung ano man ang mga plataporma ng gobyerno, pero ang iniingatan ng simbahan ay kung paano, kung nakaka-sagabal ba, kung nakakasira sa dangal ng tao, syempre, ano ba ang pinauunlad ng ekonomiya? Dapat din pinauunlad ang dangal ng tao, iyan ang mahalaga. Kasi kung ang ekonomiya ay nagpapaunlad lang ng mayaman, o ng mga may-kaya, o ng mga meron, at naiiwan ‘yung mga mahihirap, mga nasa lansangan, ibig sabihin, kinakailangan itong tugunan ng simbahan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Dimaano.

Pangako ng Pari ang paninindigan ng simbahan sa wastong paggamit ng AI upang maging ang mga mahihirap o pinakanangangailangan sa lipunan ay may sapat na pamamaraan upang magamit ang mga benepisyo nito tungo sa pag-unlad.

Umaasa si Fr.Dimaano na magsilbing kasangkapan ng mga mananampalataya ang paggamit ng AI at makabagong teknolohiya sa kaunlaran sa halip na kasamaan.

“Dapat vocal ang simbahan diyan. Kaya naman, dapat intindihin din ng simbahan na baka naman nga itong paggamit ng AI na ito ay pumapabor lamang sa mga meron na at doon sa mga malalaking mga tinatawag na multi-billion dollar companies, at lalong magpapahirap sa ating mga mamamayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Dimaano.

Ipinarating ng Pari ang mensahe sa nakalipas na National Catholic Social Communications Conventions na may temang “AI:Authentic Influencers for an Empowered Church” na dinaluhan ng 250-kawani, opisyal at volunteers ng mga social communications ministry ng 58-diyosesis, anim na religous organization at mga kalahok na church media.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,511 total views

 3,511 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,626 total views

 13,626 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,203 total views

 23,203 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,192 total views

 43,192 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,296 total views

 34,296 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, ikinagalak ng CBCP-ECMI

 636 total views

 636 total views Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang posibilidad na maaring sa Pilipinas na ikulong si Mary Jane Veloso. Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, hudyat ito ng pag-asang makamit ni Veloso ang katarungan at muling makapiling ang pamilya matapos ang 14-taong

Read More »
Environment
Jerry Maya Figarola

Kaligtasan ng mamamayan sa bagyong Pepito, dasal ni Archbishop Alarcon

 699 total views

 699 total views Ipinanalangin ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pag-aadya ng Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia upang maging ligtas ang mamamayan mula sa pananalasa ng bagyong Pepito. Umaasa ang Arsobispo na hindi maging malubha ang epekto ng bagyo at manatiling ligtas lalu na ang pinaka-vulnerable sector ng bansa.

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Sa pag-unlad ng negosyo, nararapat kabahagi ang mahihirap-BCBP

 1,373 total views

 1,373 total views Handog na biyaya ng Panginoon ang mga negosyong napamamahalaan ng tama at tunay na nakakatulong sa lipunan. Ito ang paalala ni Brotherhood of Christian Business and Professionals – Philippine President Anecito Serrato sa mga negosyanteng kristiyano at kanilang mga manggagawa. “in BCBP we have our teachings, we have our formation programs and this

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

PAG-IBIG fund, umabot sa 1-trilyong piso ang assets

 1,703 total views

 1,703 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na paglago ng ahensya sa 3rd Quarter ng 2024. Ayon sa Pag-IBIG Fund, umabot sa 1-trillion pesos ang assets ng ahensya noong Agosto na tanda ng patuloy na pagdami ng mga miyembro at kanilang pagtitiwala. “Our accomplishments this year underscore our dedication to serving the financial needs

Read More »
Environment
Jerry Maya Figarola

Environmental advocates, inaanyayahang sumali sa Francesco of Assisi and Carlo Acutis awards

 1,698 total views

 1,698 total views Inaanyayahan ng Diocese of Assisi sa Italy ang ibat-ibang sektor ng lipunan sa buong mundo na makiisa sa patimpalak ng ‘‘Francesco of Assisi and Carlo Acutis International Prize’. Ito ay pagkakataon na mapili ang kanilang mga proyektong isinasabuhay ang mabuting pagtataguyod ng lipunan at kalikasan na manalo ng 50-thousand Euros. “ASSISI – Fifty

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Ipanalangin ang ikabubuti ng mahihirap, panawagan ng pinuno ng Caritas Manila

 2,276 total views

 2,276 total views Hinimok ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas ang mga mananampalataya na ipanalangin ang ikakabuti ng mga mahihirap. Sinabi ni Father Pascual na ang pagmamalasakit sa kapwa at pagiging daluyan ng habag at awa ang tunay na diwa sa paggunita ng World Day of

Read More »
Disaster News
Jerry Maya Figarola

Mamamayan, hinimok ng Pari na maghanda sa bagyong Nika

 2,843 total views

 2,843 total views Hinimok ni Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director ang bawat mamamayan na magtulungan at maging handa sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Nika. Ayon sa Pari, handa ang Caritas Manila na tugunan ang pangangailangan sakaling maging mapaminsala at madami ang masalanta ng Bagyong Nika. Gayundin ang mensahe ni Fr.Pascual hinggil sa

Read More »
Disaster News
Jerry Maya Figarola

Kaligtasan ng mamamayan sa bagyong Nika, ipinagdasal ng Obispo

 2,910 total views

 2,910 total views Ipinalangin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kaligtasan ng mga mamamayan sa pananalasa ng bagyong Nika sa Luzon. Ipinagdarasal ng Obispo sa panginoon na panatilihing ligtas ang mga mamamayan higit na ang mga bumabangon pa lamang matapos ang pananalasa ng magkakasunod na bagyong Kristine, Leon at Marce. Hiniling ng Obispo sa Diyos

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Benefactors at donors, kinilala ng Caritas Manila

 4,310 total views

 4,310 total views Kinilala ng Caritas Manila ang 46-donors at benefactors na regular na nagbibigay ng donasyon upang makatulong sa mga adboaksiya ng Social Arm ng Archdiocese of Manila. Ginawa ang pagkilala sa ‘Isang pasasalamat: Agape’ ng Caritas Manila. “Forty-six Caritas Manila donors received recognition yesterday, 5 November 2024, at the Arzobispado de Manila in Intramuros,

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pilipinas, kinilala ng ILO

 4,438 total views

 4,438 total views Kinilala ng International Labor Organization (ILO) ang pagratipika ng pamahalaan ng Pilipinas sa ILO Convention 81 (ILO C81). Pinuri ni ILO Director General Gilbert Houngbo ang pakikiisa ng Pilipinas sa mga polisiyang makakatulong sa kaligtasan ng mga manggagawa. Tiwala ang ILO na mapapangalagaan ng ILO-C81 ang kaligtasan ng mga manggagawa sa industrial sector

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Suporta sa mga magsasaka, panawagan ng Bantay Bigas sa pamahalaan

 4,879 total views

 4,879 total views Umapela ng suporta sa pamahalaan ang AMIHAN Women’s Peasant Group at Bantay Bigas para sa mga magsasaka ng palay na naapektuhan ng El Niño at magkakasunod na kalamidad sa bansa. Ayon kay Cathy Estavillo, Amihan Secretary General at Bantay Bigas spokesperosn, bilyong pisong halaga ng pananim ang sinira ng mga nagdaang kalamidad. Inihayag

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Tanggapin at kalingain ang mahihirap, hamon ni Bishop Pabillo sa taumbayan

 2,644 total views

 2,644 total views Tanggapin at kalingain ang mahihirap, hamon ni Bishop Pabillo sa taumbayan Hinamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na tanggapin at kalingain ang mga mahihirap. Ito ang mensahe ng Obispo sa paggunita ng ika-walong World Day of the Poor sa buong mundo. Ayon sa Obispo, ang pagtanggap sa mga mahihirap ay

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Greentech program, inilunsad ng IPOPHIL

 3,768 total views

 3,768 total views Tiniyak ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang pakikiisa sa pagpapaunlad ng ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalikasan. Inilunsad ng IPOPHIL ang Green Technology Incentive o Greentech Program upang bigyan prayoridad ang mga imbensyon, ideya at inisyatibong nakatutok sa pangangalaga ng kalikasan. Inaasahan ni IPOPHIL Director General Rowel Barba na matutulungan ng

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

Panatilihing banal ang paggunita sa Undas, paalala ng Obispo sa mananampalataya

 5,537 total views

 5,537 total views Ipinaalala ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco sa mananampalataya ang kahalagahan na pananatilihing taimtim at banal ng paggunita ng Undas sa Pilipinas. Ito ang mensahe ng Obispo para sa nalalapit na paggunita sa buong mundo ng All Saints at All Souls Day sa November 01 at 02. Hinimok ng Obispo ang mamamayan na

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Nagsabuhay ng diwa ng kooperatiba, pinarangalan ng CDA

 7,062 total views

 7,062 total views Pinarangalan ng Cooperative Development Authority (CDA) ang mga indibidwal, opisyal at mga kawani ng pamahalaan at cooperative groups sa CDA Gawad Parangal 2024. Inihayag ni CDA chairman Joseph Encabo na ipinakita ng mga awardee ang kahalagahan ng kooperatiba sa lipunan sa pagsusulong ng tunay na diwa ng kooperatibismo sa lipunan. Pinasasalamatan din ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top