507 total views
Bagama’t pinapahintulutan ang ‘pagsusunog ng abo’ ng mga namayapa ay ipinapaaalala ng simbahan na kailangan maihimlay ang ‘abo’ sa lalung madaling panahon.
Paliwanag ni Fr. Nap Baltazar-exorcist mula sa Diocese ng Malolos, bahagi rin ng panuntunan ng simbahan bilang paggalang sa napayapa ay mailagak o mailbing ang mga labi sa lugar na hindi nagagambala.
Dagdag pa ng pari, bamag’t walang itinakdang panahon sa paglilibing ay mabuti na mailibing ang ‘urn’ bilang pag-iingat.
Ang pahayag ng pari ay kaugnay na rin sa ginagawa ng ilan na pag-uuwi sa ‘urn’ ng kanilang namayapang mahal sa buhay.
‘Sa instruction na ibiigay ng Vatican ay wala namang sinasabi na isang taon, dlaawang taon o ilang buwan …ang mahalaga po doon ay mailibing ang labi na isina-abo,” ayon kay Fr. Baltazar.
Dagdag pa ng pari, mayroon ding maikling panalangin ang inuusal sa mga sinusunog na bangkay:“Pagkalooban mo siya ng kapahingahan at kapayapaan sa isang daigdig na hindi na makapangyayari ang alabok at abo.”
‘Kaya yung hope natin, anuman man siya gaano man siya katagal na naroon sa bahay ay kailangan nating ilagay doon sa kapahingahan doon sa isng lugar na matatamo niya ang kapayapaan. mahalaga hindi natin siya ididisplay,’ paliwanag pa ni Fr. Baltazar.
‘Yun pong security ng katawang lupa, kahit naisaabo ay kailangan nating ilagay sa angkop na lugar,’ paliwanag pa ng pari.
Bahagi din ng Ad Resurgendum cum Christo na inilabas ng Congregation for the Doctrine of the Faith na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagsusunog ng bangkay o creamtion, hindi rin pinahihintulutan ang pagsasaboy ng abo ng mga namayapa.
Karaniwan na sa Pilipinas na bago ang pagsasaabo ng katawan ng nasawi ay binibigyan ng pagkakataon ang pamilya sa huling sulyap sa mga labi subalit dulot na rin ng nakakahawang sakit tulad ng novel coronavirus ay hindi na ito pinahihintulutan.
Sa pinakahuling tala mula sa 2.7 milyong nahawaan ng Covid-19 sa bansa umaabot na sa higit 47 libo ang nasawi at mga sinunog na bangkay maliban lamang sa mga relihiyon na hindi sang-ayon na sunugin.